Megan's POV
Ito na ang araw na kung saan ayaw ng lahat na dumating. Ang araw ng small party. Lahat ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Ngunit, sabi ng nakatataas ay dapat magsaya.
Ilang oras na lamang ay mag uumpisa na. Kaya naman busy ang lahat sa pag aayos. Ako naman ay natapos ng maligo at nakaharap lamang sa salamin. Wala pa akong ganang mag bihis ng damit na aking susuotin.
Balak ko sanang mag tshirt lamang ngunit pinigilan ako nila krystal at binigyan ako ng isang dress. Cocktail dress ito na all black. Napaka sexy nito dahil hapit na hapit ito sa bewang ko. Pinag heels din nila ako at ayoko sana dahil masyadong mataas pero mapilit sila. Nang matapos sila Alice sa pagligo ay lumapit na ito sa akin.
"Mag ayos ka na megan." utos sakin ni Alice na nagpapatuyo ng buhok. Hindi ko siya pinansin at naglakad upang humiga sa kama. May dalawang oras pa kami gusto ko na muna matulog habang nag aayos sila. Ilang segundo palang akong nakapikit ng isang malakas na sigaw ang nakapag pa dilat sakin.
"Megan? Gumising ka dyan! Kami na ang mag aayos sayo ni krystal!" Sinamaan ko siya ng tingin. Ayoko sana kaso hinihila na nila ako kahit nagpupumiglas ako.
"Huwag ka ngang makulit megan!" Iniirapan ko na sila dahil sa kakulitan. Bakit ba kasi pinipilit nila ako?
"Ano ba? Ayoko sabi eh!" Angal ko pero hindi nila ako pinapansin at inuupo ako sa upuan at iniharap sa malaking salamin.
"Huwag kang malikot at ikukulot natin ang buhok mo. Isang oras pa bago yan tanggalin" utos sakin ni krystal at nagsimula na silang dalawa na kalikutin ang buhok ko. Kinukulot nila ito gamit ang plantsa at nilalagyan ng bilog para itali upang mamaya na ito tanggalin.
Ilang minuto din bago ito matapos at nabboring na ako. "Matagal paba?" Naiinip kong tanong. Hindi sila sumagot at ilang minuto ay natapos din. Nagsimula na sila mag ayos ng sarili at kinukulot din nila ang ibabang buhok katulad ng sa akin.
"Magbihis ka na megan" saad ni Alice sakin. Umiling ako dito. Ayoko isuot ang cocktail dress na yun. Hapit na hapit sa bewang ko. Suman kung suman.
"Sge na. Bilis! Sge na kasi!" Tinulak tulak pa ako ni krystal papasok ng kwarto.
Tinignan ko ang cocktail dress na black sa harapan ko. Nagdadalawang isip ako kung isusuot ko ba ito o hindi. Mag mmukhang tanga lang ako sa suot na yan. At alam kong hindi ako magiging komportable dahil sa heels.
"MEGAN! ANG TAGAL MO! MAG MMAKE UP KAPA" Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni krystal. Ang dalawang yun!
Kahit ayoko ay wala pa rin akong nagawa. Sinuot ko na ang dress at heels. Nahihirapan pa akong isuot ang dress dahil sa sikip nito. Nakakainis.
Sinuot ko na rin ang heels at tinignan ang sarili ko sa salamin. Mas nakikita ang kurba ng katawan ko dahil sa suot ko. Mukha namang bagay ito sa akin. Maganda ito at lalo na ako.
Pagkalabas ko ng kwarto ay ang nakanganga na dalawang babae ang nasa harapan ko.
"A-ang ganda mo megan" Puri ni Alice sakin.
"Bagay na bagay ang damit sayo at mas lalo kang gaganda kapag nag make up ka." Agad akong hinila ni krystal at pinaupo ako sa upuan.
Kung ano anong pintura ang nilalagay nila sa mukha ko. At mga kolorete na nakakairita.
"Ah." binuka nito ang bibig niya. Kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. Bakit ba siya na nganga?
"Ah." inulit pa nito ang pagbuka ng bibig. Nababaliw na si Alice.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misteri / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
