Megan's POV
Nakangiti ako habang naglalakad papuntang library. Siguro dahil sa pag alok sa'kin ni grey na sumama sa kaniyang makipagdate. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na inalok ako ng baliw na yun.
Pagkarating ko sa library tumambad sa'kin ang napakatahimik na paligid. Sanay naman ako na wala talagang halos nagpupunta rito............pero iba ngayon.
Weird?
Ipinagsawalang bahala ko na lamang kung ano man yung napapansin ko.
Umupo ako sa isang upuan at inilabas ang libro na kinuha ko sa isa sa mga book shelf. Kailangan kong basahin ang librong ito dahil sa prof. namin na isang terror.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng may mapansin ako hindi kalayuan mula sa kinauupuan ko. Hindi ko muna ito pinagtuunan ng pansin dahil baka mga estudyante lamang na naghahanap ng libro na mababasa para sa kanilang assignments.
Ipagpapatuloy ko na sana ang pagbabasa ng makarinig ako ng may bumagsak. Ibinaba ko agad ang libro na hawak hawak ko at tinignan kung san man galing ang ingay. Kumunot ang noo ko dahil sa kakaibang kilos ng tatlong lalaking estudyante na hindi mapakali sa kinauupuan nila.
Tumayo ako at dahan dahan na lumapit sa kanila. Ayoko sanang makinig sa pinag uusapan nila pero may kakaiba akong feeling na may mali sa ikinikilos nila. Mukhang malakas ang mga pandama nila kaya naman tumigil sila sa pagsasalita at napagawi ang tingin sa direksyon ko. Umayos ako ng tayo at kunwari ay hindi sila napansin.
"Itago mo na yan!" Naiiritang bulong ng isang lalaking nakasalamin sa katabing lalaki na nakasalamin rin. Napabuga ako ng hangin dahil pareho pareho silang may salamin.
Tumalikod ako at hinarap ang sandamakmak na libro at nagkunwaring may hinahanap.
"Sinigurado mo ba na walang nakakita sayo nun?" Narinig kong taong ng lalaki sa kasamahan niya.
"Oo naman. Alam mong malinis ako magtrabaho." Sagot nito.
Ano bang pinag uusapan nila? Narinig kong nag ayos sila ng gamit. Hindi ako lumingon at ipinagpapatuloy ang paghahanap ng libro. Hinintay ko silang makaalis bago lumingon pero bago sila makaalis narinig ko ang huling sinabi ng lalaki na nakabagabag sa'kin.
"Malapit ng dumating ang tamang panahon ng muling pagbabalik ni black."
Pagkatapos kong marinig ang huling sinabi ng lalaking 'yon nagmamadali akong naglakad papunta sa dorm. Tumungo ako sa kwarto at kinuha ang isang papel na may lamang sulat.
Nanginginig ang kamay ko sa di malamang dahilan. Nakita ko sa locker ang sulat pagkatapos naming iligpit si black at sebastian. Hindi ko ito sinabi sa kanila dahil akala ko gawa lang ito ng taong walang magawa sa buhay. Pero base sa narinig ko mula sa tatlong estudyanteng naguusap sa library, alam kung hindi sila nagbibiro. Kung totoo man na babalik ang sinasabi nilang black. Sino yung black na pinatay namin? Posible kayang pekeng black ang napatay namin? Pero bakit nagpakilala siyang black.
Gusto ba ng totoong black na isipin namin na napatay na namin siya para maging kampante kami at kapag kampante na kami tsaka siya susugod para mapatay kaming lahat.
Napakagaling naman mag isip ng taong 'yon. Napaniwala niya kaming lahat na napatay na namin siya. Mabuti na lamang at narinig ko ang pag uusap ng tatlong lalaking yun.
Napababa ang tingin ko sa sulat. Ano ba ang laman nito? Hindi naman siguro ito love letter, hindi ba? Kung galing ito kay black siguro puro pagbabanta ang mga nakatala sa sulat na ito.
Pinunit ko ang kaunting gilid ng papel para buksan. Kumuha muna ako ng sapat na hangin bago simulan ang pagbabasa.
Dear Megan My Love,
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
