A/N: WALA NA ITONG EDIT EDIT PA HUHU
Megan's POV
"Isa ako sa dahilan kung bakit ka natrauma, three years ago."
Nanlaki ang mga mata ko sa lalaking sumulpot sa tabi namin. Nakikitaan ko ng takot ang emosyon ng kaniyang mga mata. Inaasahan ko ng sasabihin niya rin ito sa'kin ngunit iba pala ang nasa mismong sitwasyon na.
"W-what do you mean?" Sinubukan kong maging matapang upang hindi mabasag ang aking boses. Nilingon ko si clent. Tahimik na ito habang nakatingin ng masama kay grey.
"Ako ang naging bangungot mo noon." May kung anong kumirot sa'kin. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Kinagat ko ang pangibabang labi at tumingin na lamang sa sahig. "Noong mga bata pa lamang tayo'y kilala na kita. Sa sobra kitang kilala ay pati ang lahat ng ginagawa mo, alam ko." Hinawakan ko ng mahigpit ang aking isang palad. Hinayaan ko siyang sabihin ang gusto niya. Gusto ko lang marinig lahat. Lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa at pati na rin kay clent.
"Bago kayo lumipat ng pamilya mo sa Jamaya ay matalik na kaming magkaibigan ni clent. Pamilya na ang turingan namin sa isa't isa. Pero nagbago lahat yun simula ng dumating ka." Pumikit ako ng mariin. Damn it. Ngayon, nararamdaman na ng aking puso ang bawat salitang binibigkas niya. Hindi ko man maalala ngunit nararamdaman kong totoo ito. "Nong lumipat kayo'y ikaw ang una kong napansin. Sa taglay mong alindog at sa mala-inosente mong mukha. Hindi ko maiwasan na humanga sayo." Fuck. Hinawakan nito ang balikat ko at iniharap sa kaniya. Kitang kita ang pagsusumamo nito. Ang pangungulila at galit.
"Naging magkaibigan tayo at masasabi kong naging magaan ang loob natin sa isa't isa. Ngunit, isang araw kinailangan naming lumipat ng bahay. Noong una'y hindi ako pumapayag dahil ayokong iwan ka." Huminga ako ng malalim dahil sa mga pangyayaring nangyari sa'min noon. "Walong taon lang ako nong panahon na yun. Ang sabi ng pamilya at mga kaibigan ko puppy love lang ang naranasan ko dahil sa edad natin. No!" May diin sa huli nitong sinabi. Umiling iling siya. "Alam kong minahal kita noon. Alam ko sa sarili ko na nahulog ako sa'yo. Dahil hanggang ngayon, ganon pa rin ang nararamdaman ko." Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin. Walang pumapasok sa utak ko at tila'y kay hirap bumanggit ng anomang salita.
"Lumipat kami ng hindi nagpapaalam sayo. I don't want to see your face crying. B-baka di ko makaya at manatili na lamang sa'yong tabi.........Pero alam kong hindi iyon mangyayari. You're just seven that time. Alam kong mga bata pa tayo kaya pinaubaya kita kay clent." Tumagos ang tingin nito sa lalaking nasa likuran. "Nangako kami sa isa't isa na pagnagkita mulo tayong dalawa..................." Binalik nito ang tingin sa'kin. "Kukunin muli kita." Nagkatinginan kaming dalawa. Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit ganitong pakiramdam ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misterio / SuspensoIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
