Three

8.3K 122 0
                                    

Jhoana

"Jhowjhow bumangon kana dyan anobaaaa!"

Tinabig ko yung kamay ni Gizelle na nakahawak sa braso ko.

Kainis naman kasi etong si Tan eh sarap bigwasan! Ang kulit kulit. Ilang beses ko ng sinabi na wala ako sa mood mag jogging today ayaw pa ako tigilan.

Kaya ang ginawa ko nagtago ako sa ilalim ng unan ko.

"Jhoana Louise tara na kasi!" Hinila hila ni Gizelle ang kamay ko. "Kaylan ka pa tinamad mag jogging tuwing weekend? Parang hindi ikaw."

Nanatili lang akong tahimik para kunyare tulog ako.

Alam kong naninibago sakin si Gizelle today dahil madalas ako talaga lagi yung mas nauunang gumising para mag jogging tuwing walang training. Pero ngayon lagpas ala sais na pero nakahiga pa rin ako.

Wala kasi talaga ako sa mood.

"Pumunta kana dun. Bayaan mo na ko." Sabi ko sa kanya.

Pero ang loka talagang makulit. Hindi pa rin ako tinantanan.

"Di ako aalis hangga't di ka tumatayo!"

Ay pota.

Lord, pakibigyan po ako ng bagong room mate please. Yung hindi makulit.

Biglang tinanggal ni Gizelle yung unan na nasa ulo ko at hinila din nya yung kumot ko. Tapos hinila nya ako patayo ng kama.

Syempre nagulat ako dun sa ginawa nya kaya muntik ako mapasubsob sa sahig.

"Ay pakyo ka!" Bulalas ko.

Napakaliit na babae pero nag uumapaw sa lakas 😑

Nabatukan ko sya sa ulo pero tawa lang naman sya ng tawa.

"Ayaw mo kasi tumayo eh!"

"Bwiset. Eto na nga oh magbibihis na."

Wala ako nagawa kundi maglakad papunta sa banyo dala yung damit ko. Hindi rin naman kasi ako titigilan ni Gizelle.

After ko makapag bihis ay nagtungo na kami sa oval ng Ateneo.

Pagdating namin dun nag jojogging na yung ibang ALE. Tatakbo na sana ako para makahabol sa kanila ng bigla kong mapansin si Bea na nakaupo sa may gilid.

Pawis na pawis sya at mukhang kakatapos lang mag jogging. Kaso parang may iba sa aura nya. Nakatulala lang kasi sya sa malayo habang umiinom ng tubig. Hindi naman ganon yan eh. Madalas nangungulit yan sa iba naming team mates na nagjojogging.

Pero ngayon ang layo ng mga tingin nya at parang ang lalim lalim ng iniisip.

"Jho tara na. Ano pa hinihintay mo dyan?" Biglang pagsasalita ni Gizelle.

Kaya sumunod na ako sa kanya papunta kanila Ate Ly na mukhang nakakailang ikot na sa oval.

Matapos ang ilang ikot sa oval ay saglit akong napahinto dahil sa hingal.

"Jho! Anuna!" Biglaang sigaw ni Jia nung malagpasan na nya ako.

Sa di malamang kadahilanan, bigla ko na lang ulit naalala yung tinext sakin ng kapatid kong si Jaja kagabi kaya naman feeling ko tuloy para na naman akong maiiyak. Tumingala ako para mapigilan ang pag bagsak ng aking mga luha at napabuntong hininga.

Biglang napagawi ang mga tingin ko sa bandang kanan at laking gulat ko ng makita ko si Beatriz na nakatitig pala sa akin. Di ko mabasa ang mga titig nya basta diretso lang syang nakatitig sakin.

Di ko na lang yon pinansin masyado at nagpatuloy na ulit ako sa pag takbo.

Nang matapos akong mag jogging ay napagdesisyunan kong magpahinga na muna saglit. Samantalang yung iba naman ay nag kanya kanya ng alis pabalik ng dorm dahil karamihan sa kanila ay balak umuwi tutal weekend naman at walang gagawin.

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon