Fifteen

4.5K 103 18
                                    

Jhoana

Mga isang oras na ng magsend ako ng text message kay Bea. Nagpasalamat lang ako sa pagsama niya sa akin kagabi hanggang kaninang umaga. Masyado kasi siyang nagmamadali kanina at hindi ko na nagawang magpasalamat pa.

Medyo na-guilty nga ako kasi dahil sa akin na-late pa siya sa pupuntahan niya. Kung alam ko lang sana na may gagawin pala siya ngayong araw edi sana hindi ko na siya pina-stay. Nakaabala pa ako.

Pero sa totoo lang, pag tuwing magkasama kami minsan naiisip ko na baka pwede maibalik yung dati... yung dating kami. Yung pagkakaibigan. Pero biglang ipapamukha sa akin na iba na talaga eh. Dahil may iba ng naghihintay. May iba ng nasa top priority niya. Hindi na talaga katulad ng dati.

Ibang iba na.

Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa at tiningnan. Walang bagong message or kahit ano. Hindi pa rin nagrereply si Bea.

Hindi naman sa umaasa ako na magrereply siya. Pero si Bea kasi yan eh. Kahit pa yata hindi kareply reply yung text mo magrereply at magrereply talaga yan ng kahit ano. Ganon siya eh.

Napailing ako at ibinaba ang phone ko.

Ano na ba'ng alam ko sa kanya? Oo ganon siya dati. Pero ano nama'ng alam ko ngayon?

People change, Jhoana.

Umiling ulit ako at napagdesisyunang tatayo na sana sa sofa nang biglang makatanggap ako ng text message. Agad akong napatigil at walang ano anong kinuha ang phone ko.

Pero parang nag iba agad ang timpla ng mood ko ng makitang galing kay Nico ang natanggap kong text.

From: Nico

Can we talk?

Please?

Napabuntong hininga ako.

Parang bigla akong ibinalik sa reyalidad. Biglang ipinaalala sa akin na may isang importanteng bagay pa pala akong dapat harapin at ayusin.

Sa totoo lang, ayoko muna siyang makausap. Naiinis pa rin talaga ako sa inasta niya kagabi. Ang babaw masyado nung rason ng galit niya at ang sama sa damdamin na pagbintangan ka ng wala namang katotohanan.

Pero wala rin naman ding mangyayari kung hindi ko siya kakausapin. Hindi naman magiging maayos ang lahat kung patuloy lang akong magagalit sa ginawa niya.

From: Nico

I will wait for you, Jho. Alam mo kung saan ako hahanapin. Kahit anong oras maghihintay ako.

Nakatanggap ulit ako ng panibagong text.

Pagkabasa ay napahinga ulit ako ng malalim.

Okay. Isa pa, Jhoana. Isa pa.

Inayos ko ang buhok ko bago ako tuluyang lumabas ng kotse at diretsong pumasok sa loob ng coffee shop na paborito naming puntahan ni Nico kapag may dapat kaming pag usapan.

Alam kong kanina pa niya ako hinihintay dahil pagpasok ko pa lang agad siyang lumingon sa entrance na parang kanina pa talaga niya ako inaasahan. Agad naman nagtama ang mga mata namin.

Agaran siyang napatayo pagkalapit ko sa kanyang pwesto. Diretso naman akong umupo sa harap niya ng walang imik. Tinitigan niya muna ako ng mga ilang sandali bago siya umupo pabalik sa harap ko.

Walang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa makarating na ang mga inorder naming kape.

Sanay na ako sa mga paganto niya. Yung magkakatampuhan kami pero kinabukasan, agad siyang magyayaya para makapag usap.

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon