Jhoana
"A-Ano?"
Tinitigan niya ako direkta sa mga mata. Masyadong malakas yung tugtog mula sa stage pero ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas... as in sobrang lakas na pagkabog ng puso ko. Kinakabahan na ewan. Hindi ko alam. Palpitate? Baka dahil sa kape na ininom ko kaninang tanghali plus yung coke na in---
Napatigil ako ng humakbang siya palapit sakin.
"I said---"
"Bea."
Parehas kaming napalingon nang marinig ang pagtawag ng pangalan niya. And I swear huminto yata ang paghinga ko ng makita ko si Millicent na naglalakad palapit sa amin. Diretso ang kanyang tingin sa akin.
Nang tuluyang makalapit, humawak siya sa braso ni Bea at tinuon ang atensiyon sa kanya.
"I've been looking for you." sabi nito.
"Oh sorry." sagot ni Bea habang napapakamot sa ulo. Tapos napatingin siya sakin. "I'm with---"
"Yeah. I see you're with Jhoana." pagputol niya kay Bea tsaka ako diretsong tinitigan.
Pinilit kong ngumiti sa kanya na tinugunan din naman niya ng isang matipid na ngiti.
Medyo umatras ako ng kaunti at nag iwas ng tingin sa kanilang dalawa. Nagkunyaring nanonood sa nagpeperform sa stage at pilit 'di pinansin yung pag uusap nila. Napahimas pa ako sa batok dahil nakaramdam ako ng pagkailang.
"Let's go?" rinig kong sabi ni Millicent kay Bea maya maya pa.
Napatingin ako sa kanila ng tumingin sa akin si Bea.
"Coach Oliver wanna see me raw. Pero saglit lang 'to babalik din ako, Jho." sabi niya sa akin.
Muntik akong hindi makapagsalita. Seryoso ba siya? Nandiyan yung girlfriend niya tapos sasabihin niyang babalik siya dito na parang normal lang yon at parang wala si Millicent sa tabi niya?
Napatingin ako kay Millicent. Nakatingin lang din siya sakin.
Oo nga pala. Hindi nga pala siya threatened sakin.
"O-okay lang." hindi ko komportableng sagot. "Hahanapin ko na lang siguro sila Maddie."
"But---"
"Bea? Let's go." sabat ni Millicent na nakahawak pa rin sa braso niya.
Tumingin si Bea sakin one last time, huminga ng malalim tsaka sumama na paalis kay Millicent. Sinundan ko sila ng tingin saglit hanggang sa napayuko ako at napailing at pilit iniahon ang sarili. Kaso paulit ulit na rumehistro sa isip ko yung huling sinabi ni Bea.
"Jho, honestly, all you have to do that time was to get out from Deanna's house and... I might have stayed."
Ano'ng ibig sabihin non?
Sinasabi ba niyang kung lumabas lang sana ako nung araw na yon marahil ay nanatili siya? Pero hindi ko gets. Anong klaseng nanatili? Sa Cebu? Or sa... akin.
Napailing ako ng sunod sunod.
Hindi. Impossible yon. Hindi yon yung ibig niyang sabihin. Impossible.
"Jhow!"
Natigil yung pag iisip ko ng biglang sumulpot si Kim kasama sila Maddie at Kat.
"Bakit mag isa ka? Nasaan si Bei?"
"Ah, nandon." Itinuro ko yung nilakaran nung dalawa kanina. "Kasama yung jowa niya."
"Huh? Sinong jowa?" kunot noong tanong ni Kim sakin.
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanfictionIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.