Nineteen

5.1K 119 43
                                    

(You might wanna refer to chapter 35 again for this flashback)

Jhoana

"You know what hurts the most?" Umangat ang tingin ko sa kanya ng sabihin niya yon. "The fact that you haven't even tried... but you are giving up already."

Nakaramdam ako ng pagkabigla sa sinabi niya.

"Hindi ako gumigive up. Bea naman!"

"But I can feel you giving up Jho. I can feel it."

Diretso siyang nakatitig sakin. Hindi ako nakapagsalita dahil dun at tumulo na lang ang mga luha ko.

Gusto kong ipagpilitan sa harap niya na hindi ako sumusuko. Hindi ko siya sinusukuan. Hindi ko sinusukuan kung anong meron sa amin. Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin or ipapaliwanag sa kanya dahil sarili ko mismo nahihirapan.

Hindi ko sinasadyang magsinungaling kay mama. Natakot lang talaga ako. Naipit sa sitwasyon. Hindi ko yon ginusto pero wala na eh, nangyari na.

Ang gago lang.

Ang gago ko.

Walang nagsalita sa aming dalawa. Yung katahimikan na nangingibabaw sa pagitan namin ay mas lalong dumagdag lang sa pagkamuhi na nararamdaman ko sa sarili ko.

Nasaktan ko na naman siya.

Maya maya pa pinunasan niya ang kanyang pisngi at biglang tumalikod para umalis.

"Beh." alarma kong sabi pero hindi niya ako pinansin. Sinubukan ko siyang sundan. "Beh naman."

Pero wala. Hindi siya lumingon at diretso lang na nagtungo sa loob ng kotse niya. Mas lalo akong naiyak.

"Bea!" paulit ulit kong tawag hanggang sa tuluyan na niyang pinaandar ang kanyang sasakyan palayo sa dorm.

Naiwan akong nakatulala at umiiyak hanggang sa tuluyan ng mawala sa paningin ko yung kotse niya.

Napahawak ako sa ulo ko.

Tangina! Ano ba 'tong nagawa ko!

"Jhoana ano baaa!" inis kong bulong sa sarili habang walang tigil pa rin sa pagpatak ang luha ko.

Mga ilang minuto akong nanatiling ganon sa pwesto kung saan ako iniwan ni Bea. Umiiyak. Inis na inis sa sarili. Walang magawa.

Sa mga oras na yon hinihintay ko na lang na bumukas yung lupa at magpapakain ako dahil sa inis sa sarili.

Nang magpasya akong pumasok sa loob ng dorm ay wala pa ring tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Umupo ako sa gilid ng kama ng wala sa sarili at binuksan ang phone ko. Sinubukan kong tawagan si Bea pero hindi siya sumasagot... kahit sa pangalawang try hindi, sa pangatlo wala pa rin. Hanggang sa hindi ko na alam kung nakailang subok ako pero wala talaga.

Akala ko wala ng luhang tutulo pa dahil baka naubos ko na sa kakaiyak kanina pa pero mas umagos ang luha sa pisngi ko sa pagkakataong ito.

Ayaw niya akong kausapin. Galit na galit siya.

Lumunok ako tsaka napagpasyahang mag text na lang. Kung ayaw niya akong kausapin, at least sa ganitong paraan pwede niyang mabasa.

Nanginginig ang daliri kong tinayp ang gusto kong sabihin. Paulit ulit akong humingi ng tawad. Tawad sa pagsisinungaling ko kay mama at tawad sa pagtanggi ko na naman sa kanya.

Alam ko hindi siya magrereply. Pero hinintay ko pa rin na baka sakaling magreply siya kahit isang word lang at nanatili akong nakatitig sa cellphone ko ng ilang minuto... hanggang sa inabot ng ilang oras at 'di ko namalayan nakatulog pala ako dahil siguro sa pagod sa kakaiyak.

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon