Jhoana
Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakaupo dito habang pinapanood ang mga girls sumayaw ng kung ano ano sa gitna.
Basta ang alam ko, nakakadalawang bote na ako ng San Mig apple.
Congrats Jho! Record breaking yan sa buo mong buhay.
Actually, hindi ko alam kung paanong, from juice eh naging San Mig na ang iniinom ko.
Jusko.
Okay lang yan Jho, hindi ka malalasing diyan. Paulit ulit na sinasabi ko sa utak ko.
Maya maya pa, muntik matapon yung hawak kong bote ng bigla akong hatakin patayo nila Maddie.
"U-uy!" sambit ko ng hilahin nila ako patunggo sa gitna kung saan nagsasayawan ang mga girls na hindi ko alam kung mga lasing na ba or normal pa.
"Come on Jho! Uupo ka lang ba buong gabi sa gilid?" sabi ni Maddie habang hawak ang braso ko na hindi ko magawang makalas.
"Loosen up!" sabi naman ni Jules na nakatulak sa likuran ko.
Mga pasaway! Nagtago na nga ako sa pinakagilid para hindi nila ako idamay!
Hindi naman sa ayokong makisama. Syempre gusto ko kasi minsan lang makumpleto ng ganito ang mga former lady eagles. Pero kasi... si Bea. . .
Hindi ko kasi alam kung paano ako gagalaw ng maayos kapag nandiyan siya at malapit sa akin. Natetense ako na alam ko naman dapat hindi. Dapat normal lang. Dapat okay lang ako. Pero hindi ko mapigilan na hindi mag marathon ang puso ko sa kaba!
Hindi naman kasi ako ready na makita siya ngayong gabi! Kung alam ko lang edi sana nacondition ko ang sarili ko.
Edi sana hindi ako pumunta...
At kung kaya ko lang talaga sana makalas etong kamay ni Maddie sa braso ko at makatakas sa pagtulak ni Jules sa likuran ko, isisiksik ko ang sarili ko sa grupo nila ate Ella na nagboballroom kahit hindi naman pang ballroom ang music na pinapatugtog.
Kaso hindi eh. Masyadong malakas yung dalawa at hinahatak talaga nila ako patungo kanila Bea.
Bakit ba kasi by batch silang sumasayaw?! Hindi ba pwedeng isang grupo ang lahat katulad ng ginagawa nila kanina?!
Nang makarating kami, natuod lang ako sa gilid nila habang feel na feel nilang lahat sumayaw.
Jusko. Dati rati naman isa ako sa mga nangunguna sa mga ganito. Pero bakit ngayon parang nakakailang na?
Adulting?
Or kasi nga Jho yung kasabay mo dating sumayaw ayon may kasabay ng iba...
Napapukpok ako bigla sa ulo.
Ano ba naman 'to! Kung ano ano na naman ang pumapasok sa utak ko!
Napatigil lang ako ng may biglang bumangga sa likod ko. Paglingon ko si Millicent pala na mukhang kaharutan si Beatriz.
"Oh gosh sorry ate Jho!"
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanfictionIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.