Nine

5.2K 119 36
                                    

Jhoana

Tirik na tirik pa ang araw, pero nasa pang limang baso na ako ng alak. At ramdam ko na ang epekto niyon sa systema ko.

Nakita ko ang masamang tingin ni Jema sa akin ng magsalin ako ng panibago sa baso ko. We are waiting for Deanna to arrive dahil ininvite ko sila na sumama sa akin manood ng golf tournament ni Nico sa Cavite. Kaso mukhang hindi na kami makakaabot dahil kakatext lang ni Deanns na baka malate siya dahil may biglaang commitment and ALE.

Which is fine. At least I have a valid reason to be absent today to his game.

Hindi naman sa ayokong manood. I've been really supportive sa mga games niya at maraming nakakaalam non. Pero sa tingin ko hindi ko yata kakayaning bumiyahe sa Cavite ngayon sa kundisyong ito.

"Jho, sumusobra na ang inom mo." nag aalalang sabi ni Jema.

True. Sabi ko isang baso lang but here I am. Halos mangalahati na yung laman ng bote ng alak na regalo sa akin nung birthday ko na ngayon ko lang naisipang buksan.

Wala naman talaga akong balak buksan 'to...

"Ang aga aga pa. Ano ba'ng meron at naisipan mong uminom?" tanong ni Jema na halatang gustong gusto ng hablutin yung hawak kong baso.

Pagdating niya kasi nagsisimula na akong uminom. Gulat na gulat pa nga siya. Lahat naman kasi alam na ayoko talaga sa alak.

"For celebration." matipid kong sagot.

"Celebration?"

Natawa ako matapos kong lunukin yung kakainom kong alak. Natatawa na naiiyak. Pakshet, lasing na talaga ako.

"Ayos lang naman magpakalasing kung may sinecelebrate diba?"

Kumunot ang noo niya. "Ano ba kasing sinecelebrate mo Jho?" Tinakpan niya yung bote.

"Ako?" May pagturo pa ako sa sarili ko. Tapos binuksan ko yung bote na kakatakip lang niya at nagsalin. "Kasi... hindi na ako." Pagkasabi ko non, nilagok ko ng sunod sunod yung laman ng baso ng maramdaman ko yung pagtulo ng luha ko.

"Ha?" Pagtataka niya. Mukhang hindi niya napansin yung luha na sunod sunod na tumulo sa pisngi ko. Kinuha niya yung bote at nilayo sa akin. "Lasing ka na Jho. Paano pa tayo makakapunta ng Cavite niyan?"

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili sa pag iyak. Pero ang hirap. Sobrang hirap.

At hindi ko na alam kung paano ko pa papatigilin ang sarili ko. Pakshet. Dahil 'to sa alak eh.

"Kaya mo pa bang bu---shit anong nangyayari?!" Halos bumalikwas si Jema sa upuan niya ng mapansin niyang lumuluha ako at agad lumapit sa akin. "Uy Jho anong nangyayari?" tanong niya habang himas himas ang likod ko. Halatang hindi alam kung paano ako papakalmahin.

Dahil sa ginawa niya, mas lalo namang nagbagsakan ang mga luha ko kaya nilagay ko ang dalawa kong kamay sa mga mata ko.

"H-hindi na ako." paulit ulit kong bulong.

"Anong hindi na ikaw?"

"Dapat okay lang sa akin. Dapat hindi ganito. Pero kasi..." Pinilit kong punasan ang pisngi ko pero sunod sunod talaga ang agos ng mga luha. "Nasasaktan ako."

"Hindi kita maintindihan Jho." Sunod sunod siyang umiling. "Ano ba'ng nangyayari sayo?"

Sa totoo lang hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.

The scene last night kept on haunting my mind and stabbing... my heart. Hindi ko na alam kung paano ko pa lolokohin ang sarili ko na okay lang ako. Na okay lang sa akin. Dahil ang totoo, hindi. Hindi ako okay.

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon