Jhoana
"Pero kung pwede pa, sana beh na lang ulit."
Matapos kong sabihin iyon, bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.
Teka.
Saan naman nanggaling yan Jhoana?!
Parang gusto kong matunaw sa sahig ng titigan ako ni Bea ng deretso. Na parang pati kaluluwa ko yata eh nakikita na niya.
"What?" halos pabulong at wala sa sarili niyang tanong.
Paulit ulit akong napalunok. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.
Para mo na rin binaril ang sarili mo ng hindi sinasadya, Jhoana. Pota.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at minabuting titigan na lang yung gripo sa gilid.
"Hindi. A-ano kasi..." Napakamot ako sa kilay. "Wala. Wala yun." magulo kong tugon.
Hindi sumagot si Bea pero ramdam ko pa rin ang mga pagtitig niya sa akin.
Wala sa sarili kong hinawakan yung doorknob ng restroom sa likod ko at pinihit iyon para bumukas. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. "T-tara na? Baka hinahanap na nila tayo."
Tuluyan ko ng binuksan yung pinto at naglakad ako na parang wala sa sarili. Hindi ko alam kung sumunod ba si Bea sa akin or hindi. Basta deretso akong bumalik sa kinauupuan ko kanina.
Napatalukbong ako bigla ng kumot.
Hindi ako sigurado kung paanong bigla na lang lumabas iyon sa bibig ko. Pati sarili ko mismo nagulat talaga ng marealize ko kung ano ang nasabi ko kay Bea kanina.
Ilang oras na ang nakalipas ng makauwi ako. Pero binabagabag pa rin talaga ako non. Ni ayaw nga ako patulugin kasi sa tuwing pipikit ako, paulit ulit na bumabalik sa isipan ko yung nasabi ko.
Dapat hindi ko na masyadong iniisip yon eh. Ano naman kung nasabi ko yon di ba? Wala namang masama. Eh beh naman ang tawagan namin kahit umpisa pa lang.
Wala naman sigurong masama kung nasabi kong "sana beh na lang ulit"? Tutal... magkaibigan naman kami.
Pero kasi....
"Ewan! Ewan! Ewan!" bulalas ko tsaka nagpagulong sa ilalim ng kumot ko na parang nababaliw. Or baliw na siguro ako.
Hindi ko sure kung anong pumasok sa isip ni Bea ng sabihin ko yon. Hindi na kasi kami ulit nakapag usap matapos naming kumain. Pero baka nga hindi naman niya masyadong sineryoso yon eh at ako lang etong masyadong nag ooverthink ngayon.
Bakit ba kasi ako ganito.
Tumihaya ako at lumabas sa loob ng kumot. Nakipagtitigan sa kisame.
Matapos ang ilang minuto pakikipagtitigan, kinuha ko yung phone ko mula sa ilalim ng unan. Hinanap ko ang number ni Bea sa contacts ko. Pagkahanap ko, tinitigan ko lang yung screen.
Baka ang tanging kailangan ko ngayon ay ang mag explain kay Bea para sa ikatatahimik ng utak ko?
Pero ano naman ang sasabihin ko?
Anong ieexplain ko?
May dapat ba talaga akong iexplain?
Tsaka hindi nga ako sure kung eto pa rin ba ang number niya. Ang tagal tagal na nung huli ko siyang kinontak. Baka nagpalit na siya ng bagong number.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga habang nakikipagtitigan sa number ni Bea.
Ano na!
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanfictionIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.