Jhoana
Pagdilat ko ng mga mata ko agad kong napansin yung yakap yakap kong banana pillow kaya nagsalubong yung kilay ko.
Kay Bea to ah? Paanong....
Napabangon ako bigla at dun ko narealize na nasa kwarto ako sa house nila Bea kaya nanlaki yung mata ko.
Sa house nila?!?!
Luh? Paano ako napunta dito? Tsaka bakit parang ang bigat yata ng ulo ko?
Napahinto ako sa paghimas sa sentido ko ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto nya. Halos mapatalon sa gulat si Bea ng makita nya ako.
"G-gising kana p-pala." Nauutal nyang sabi.
Pinagmasdan ko lang sya habang papasok sya. Nagtataka ako kasi parang may kakaiba sa kinikilos nya. Parang hindi nya alam gagawin nya tapos hindi sya tumitingin sakin.
"Bea ok ka lang?" Kunot noong tanong ko.
Natigilan sya saglit at napatingin sakin.
"Ha? Y-yes. Why?" Hindi na naman sya mapakali. "You? Are you ok? Coffee? Do you want coffee? I'll get you coffee downstairs."
Akmang lalabas na sya ng pigilan ko sya.
"Uy beh teka." Napatigil sya habang hawak na yung door knob. "Sure ka bang ok ka lang talaga? Bakit parang hindi ka mapakali?"
Tinuro nya yung self nya. "Me? N-no. I'm ok. Why wouldn't I?"
Nagkibit balikat lang ako. Ang weird nya talaga eh.
"Uh by the way Jho, how's your pakiramdan nga pala?"
"Ok lang naman except parang ang bigat ng ulo ko." Mataman ko syang tinitigan. "Ano bang nangyari kagabi beh? Ang huli kong naalala sumasayaw kami nila Marge eh."
Napansin kong parang hindi nya alam yung sasabihin nya at hindi na naman sya tumitingin sakin.
"W-wala kang n-naalala after that? Even a little bit?" Tanong nya.
Umiling ako. "Wala. Bakit?"
"Are you sure?"
Umiling ulit ako.
Huminga sya ng malalim na para bang narelived sya kaya nagtaka ako. Ano ba kasing nangyari kagabi bakit nagkakaganto etong isang to?
Hindi kaya...
Biglang nanlaki ang mata ko.
"Wag mo sabihing may ginawa akong nakakahiya kagabi sa bar?" Umayos ako ng upo sa kama nya. "Sobra ba akong nalasing Bea? Nag iskandalo ba ko? Sobra bang nakakahiya yung nag----"
"Hey relax Jho." Pagputol nya sa akin. "No. To answer your question, you didn't do anything embarrassing ok?"
"Kung ganon, anong ginawa ko? Gaano ba ako kalasing? Anong oras tayo umuwi? Bakit dito mo ako dinala? Bakit di na lang sa dorm? Nakita ba ako nila Tita kagabi? Anong sabi nila?"
Pero imbis na sagutin ay tinawanan lang nya ako.
"Pwede relax ka lang? How can I answer your first question kung may second question na agad tapos may third may fourth. One question at a time lang please."
May point sya.
"Sorry beh." Napakamot ako sa ulo. "So ano na nga?"
"Ano ba uunahin ko dun? Ang dami eh." Natatawa nyang sagot.
"Uhm... gaano ako kalasing kagabi? Sobra ba?" Halos pabulong kong tanong pero sapat naman para marinig nya.
Wala kasi talaga akong matandaan. Basta ang natatandaan ko hindi na tanduay ice yung binigay sakin ni Marge. Hindi ko na matandaan kung ano yung name ng beer basta pure beer na sya at wala ng flavor.
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanfictionIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.