Jhoana
"Jho, if you are given a chance to talk to your 2016 self, what would you say?"
Bahagya akong napatigil sa tanong ni ate Ella sa akin.
"Ang serious ng tanong momshie!" tatawa tawang banat ni Jia.
"Siyempre! Adult na tayo!" bira niya at tumingin muli sa akin ng deretso. Itinuro pa sa akin yung hawak niyang bote ng Smirnoff. "So Jhoana, if you are given a chance to talk to your 2016 self, what would you say?" pag ulit niya.
Napakamot ako sa noo. Hindi ko alam kung tinamaan na ba siya ng iniinom niyang alak kaya from who is your crush eh napunta na sa ganito ang naisipan niyang itanong eh halos wala pa naman kaming isang oras dito sa bahay ni ate Ly.
Nagkaroon kasi ng reunion party ang lahat ng mga former at present ALE. Kasabay na rin ng pa-despedida ng Ateneo Volleyball team para kay coach Tai na babalik na ng Thailand sa weekend. Tsaka late celebration party na rin para sa pagkapanalo ng ALE sa Season 81. So ayon 3 in 1 etong party na 'to na inorganize ng the one and only Phenom dito sa bahay niya.
Nakakaproud nga eh. Kasi naibalik na ulit sa Ateneo ang Championship matapos ang ilang taon.
Hindi naman ako nagsisisi sa naging desisyon ko na hindi gamitin ang last playing year ko. Desisyon ko yon eh. Yun ang gusto ko. Hindi man ako nagkaroon ng masayang exit last year pero at least masaya naman ako na may magandang exit ang mga graduating players this season. Deserve nila yon... lalo na siya.
"Huy Jhoana Louisse! Ano ng sagot sa tanong?"
Hindi pa pala tapos 'tong kalokohan nila. Sino ba kasi ang pasimuno na gawin etong spin the bottle na kung sino ang matatapatan ay kaylangan sagutin ang isang tanong? Pambihira.
"Ano nga ulit yon?" kumakamot pa rin sa noo kong sabi.
"I'll repeat the question." Umayos muna siya ng bahagya sa pag upo. "Jho, if you are given a chance to talk to your 2016 self, what would you say?
Ano nga ba'ng sasabihin ng present self ko sa 2016 self ko?
Sa dinami dami ng taon, 2016 talaga ate Ells? Halatang nananadya!
"Ang hirap naman! Pass!" sabi ko.
"Bawal ang pass! Pawang katotohanan lamang!"
"Ang daya naman kasi ate Ells. Bakit pang Miss Universe yung tanong sa akin?"
"Yan daw ang ganti ng laging tumatanggi kapag niyayaya." singit ni Deanna.
Sinamahan ko siya ng tingin kaya bigla siyang nag peace sign sa akin.
Well, hindi ko rin naman itatanggi yon. Simula talaga nung wala na ako sa team madalas na akong tumanggi sa mga hangout or out of town bonding na invite nila sa akin. Siguro kasi naging busy na rin ako to get back to my shape matapos ang naging injury ko sa tuhod 8 months ago habang nasa training ang Sta. Lucia for PSL. I was adviced kasi na ipahinga yung injury ko for a year kaya hindi rin ako nakapaglaro.
Tsaka gusto ko lang din talaga umiwas in general.
Umiwas sa issue.
Umiwas sa... kanya.
"Siguro ang sasabihin ng present Jhoana sa 2016 Jhoana is..." pag uumpisa ko. Pero nung narealize kong hindi ko alam ang sasabihin ko bigla rin akong napahinto.
Ano nga ba?
Masyadong maraming alaala ang taon na iyon. Hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa.
Bahala na.
Lumunok ako bago nagsalita. "2016 Jhoana... you should not be afraid of trying something new lalo na kung sa tingin mo mas makakabuti para sa sarili mo. Diba nga sabi nila 'if it excites you and scares you at the same time, it might be a good thing to try'."
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanfictionIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.