Jhoana
"Hindi ako pinapansin."
Malungkot kong sabi kay Gizelle.
Ilang beses ko na kasing kinakalabit si Bea na kasalukuyang nakatalikod sa harapan ko pero hindi nya talaga ako pinapansin.
Simula nung bumalik sya todo dedma na sya sakin eh ok na ok pa naman kami kanina. Hindi ko alam kung nagagalit ba sya sakin kasi hindi ko agad nasabi sa kanya na nanliligaw na si Marci sa akin or what eh.
Sasabihin ko naman kasi talaga agad sa kanya humahanap lang ako ng tyempo kaso naunahan ako ni Marci kanina. Nasabi nya bigla kanila Jamie kaya ayon kumalat ng kumalat hanggang sa buong ALE na ang nakaalam.
Nagpromise pa naman ako kay Bea na sya ang unang makakaalam kapag nay nanliligaw na sa akin. Nagiguilty tuloy ako 😔
Hindi ko din naman kasi inaasahan to. Wala naman talaga akong balak magpaligaw kay Marci. Oo mabait sya at meron siyang mga katangian na hinahanap ko sa isang lalaki. Pero kaibigan lang kasi talaga ang tingin ko sa kanya at hindi na yon hihigit pa. Naipit lang talaga ako sa moment kanina.
Pag alis ni Bea, medyo naguilty ako kasi hindi ko nasabi ang totoo. Na kaya hindi ako makakasabay papunta sa bonfire sa kanya kasi susunduin ako ni Marci. Gusto ko naman talagang sabihin sa kanya yon kaso ayaw nya kay Marci tapos baka magalit sya. Hindi rin naman ako nakaayaw kay Marci kasi nung nagtext sya on the way na din daw sya tsaka may mahalaga daw siyang sasabihin sakin.
After like 5 minutes na nakaalis si Bea ay dumating na si Marci na may bitbit na isang bouquet ng sunflowers.
"Hi Jho." Nakangiti nyang bungad pagkabukas ko ng pinto. "For you nga pala."
Inabot nya sakin yung sunflowers kaya tinaggap ko naman.
Si Bea yung una kong naalala dito sa sunflowers.
"T-thanks." Parang nagtataka kong sabi. "Hindi mo naman ako kaylangan bilhan ng flowers Marci. Susunduin mo lang naman ako." Natatawa kong sabi.
Napahawak sya sa batok nya.
"Diba sabi ko I have something to tell you." Di nya mapakaling sabi.
Napatango lang ako. So anong connect ng sunflowers sa sasabihin nya?
"Uhm Jho..."
Hindi ako sumagot at hinintay ko lang syang magsalita ulit.
"I know na napapansin mo. Pero I still want to say this... I like you. I like you so much Jhoana."
Kahit matagal ko ng napapansin yon pero hindi ko parin maiwasan na hindi magulat kaya nga hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Please let me court you. I promise I am willing to do everything if you'll just let me."
Napakapit ako ng mahigpit dun sa hawak kong bouquet at ilang beses akong napalunok. Alam ko kaylangan ko magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin ko!
"Can I court you Jhoana Louisse?"
Pakingtape!
Hindi ko inaasahan na itatanong nya yan sakin ngayon. Parang nahihirapan akong makakeep up.
Gusto nya akong ligawan???
Pero... agh! Bakit ganon. Nahihirapan akong sabihin ang totoo. Yung totoo na wala naman talaga siyang pag asa kasi friends lang talaga. Naappreciate ko lahat ng efforts nya pero hindi na yon hihigit pa eh.
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanfictionIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.