Seventeen

5.1K 145 60
                                    

Jhoana

Naalimpungatan ako na parang may nakabagsak na malaking bato sa ulo ko sa sobrang bigat. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Pagtingin ko sa bintana, maliwanag na kaya napabangon ako mula sa pagkakahiga.

Patayo na sana ako ng maramdaman ko ang sobrang pananakit ng ulo ko. Napahimas ako sa sentido ko at pilit inalala yung nangyari kagabi.

Napasapo naman ako sa noo nang rumehistro sa akin na ilang bote nga pala ng alak yung ininom ko kagabi.

Wala naman talaga yon sa plano. Hindi naman kasi ako mahilig sa ganon. Niyaya ko lang naman si Deanna after ng game nila na kumain para may makausap ako kasi sa lahat ng kilala ko, siya lang talaga ang isa sa mga tao na kilala kami parehas ni Nico.

Pero ewan ko ba at bakit naisipan ko uminom kagabi. Ang lakas lakas ng loob ko uminom dala na rin siguro sa kagustuhan kong maglabas ng sama ng loob.

Napailing ako sa sarili ko. Kaylan pa ako naging lasinggera?

As if naman nakatulong yung San Mig sa akin.

Tatayo na sana ulit ako ng mapansin ko yung damit na maayos na nakatupi sa dulo ng higaan. Binuklat ko. Akala ko kung ano, yung romper na suot ko lang naman pala kahapon.

Teka...

Napatingin ako sa suot ko ngayon. Nakapangbahay. Tapos binalik ko sa hawak kong romper.

Nagawa ko ba'ng magpalit ng damit pag uwi ko?

Eh paano nga ba ako nakauwi?

Kahit pilitin ko ang sarili ko na alalahanin, wala talaga akong maalala! Basta ang alam ko, kasama ko si Deanna. Yun lang. Wala na akong maalala pagkatapos.

Tsaka impossible na nagawa ko pang magpalit kagabi unless nasa tamang wisyo pa ako that time. Pero impossible talaga eh kasi kung ako man ang nagpalit sa sarili ko, deretso na dapat 'to sa laundry basket ko. Hindi ko naman ugali na itutupi yung maruming damit at ilalagay sa gilid ng kama or sa kahit saan.

Baka naman ganon ako kabangag kagabi at hindi ko na alam ang ginagawa ko?

Ay ewan!

Tuluyan na akong tumayo at itinigil na ang pag iisip. Kahit naman kasi anong isip na gawin ko wala talaga akong maalala.

Lumabas ako ng kwarto na hinihimas ang sentido ko nang bigla akong mapatigil sa paglalakad ng may nakita akong taong nakahiga at mahimbing na natutulog sa sofa sa may sala.

Akala ko pa namalikmata lang ako or baka minumulto. Pero ng marealize ko kung sino yon, mas lalong nadagdagan yung mga katanungan sa isipan ko.

Anong ginagawa ni Bea dito?!

Hindi ako magugulat ng ganto kung si Deanna ang nadatnan ko kasi kami naman yung magkasama kagabi. Pero si Bea? Totoo ba 'to? Or baka naman malakas pa rin ang tama ng san mig sa akin at naghahallucinate na ako!

Mas lumapit ako sa sofa.

Hindi eh. Totoo talaga!

Siya talaga 'to! Si Bea na pinagkasya ang sarili niya sa sofa at mahimbing na natutulog na parang bata.

Sa sobrang pagtataka ko, tinitigan ko lang siya ng sobrang tagal na para bang malalaman ko ang dahilan kung bakit siya nandito sa condo ko at natutulog.

Maya maya pa, unti unti siyang dumilat at agad nagtama ang mga mata namin. Sa sobrang gulat ko yata hindi ako nakareact hanggang sa umayos siya ng upo.

"You're awake na pala." sabi niya habang kinukusot ang kanyang mga mata. "Nakatulog pala ako."

"B-bakit ka nandito?" tanong ko.

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon