Jhoana
Nang makauwi ako galing ng bonfire ay hindi mawala wala ang mga ngiti sa labi ko. Para akong nakalutang at puro laman ng isip ko ay si Bea at yung mga naging pag uusap namin kanina. Feeling ko mababaliw na yata ako sa mga nararamdaman ko.
Wala ako sa sariling sumandal sa pintuan pagkasara ko nun.
"Shet. Totoo ba yon."
Pagkalabas non sa bibig ko, bigla na lang akong napatakip sa bibig tsaka nagpapadyak na parang tanga. Gusto ko sumigaw pero dahil yata sa nag uumapaw na feelings wala akong nagawa kundi pumadyak ng pumadyak sa sahig at sumigaw ng pigil.
Hindi naman ako nananaginip di ba?!
Sinampal sampal ko ang dalawa kong pisngi. Nang makaramdam ng sakit, nagtatakbo ako sa higaan tsaka sumalampak doon at niyakap ng mahigpit ang unan.
So this is what it's like to be this happy again.
Yung kilig. Yung paruparo sa tiyan. Yung ngiti na hindi mo kayang pigilan. Ahhhh ganito pala ulit yung pakiramdam non muntik ko na makalimutan!
Nagpagulong gulong ako sa kama at pilit pinigilan yung kilig ko pero ang hirap!
Hay Beatriz, your impact.
Nasa ganon akong kalagayan ng biglang mag vibrate ang phone ko. Napabangon ako tsaka binasa yung text message na natanggap ko.
From: +unknown number
Hope u got home safetly.
Goodnight Jho!this is Bea btw. Got your
number from Deanna ☺Agad akong napangiti nang mabasa ko yung message niya.
I never thought I missed everything about her that much not until now.
~ * ~
It's still seven in the morning ng makarinig ako ng mga katok sa pinto ng unit ko. Noong una hindi ko pinansin dahil antok na antok pa talaga. Pero ng hindi tumigil yung mga katok, naiinis at halos pikit mata akong tumayo sa kama para buksan yung pinto.
"Goodmorning!"
Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Bea na nakangisi sa akin pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Biglang nawala yung antok na nararamdaman ko at agad kong isinara pabalik yung pinto kaso mabilis siya kumilos at agad niya iyon nahawakan bago ko pa maisara ng tuluyan.
"Uy!" tumatawa niyang sabi. "Bakit mo isasara?"
Napayuko ako ng bahagya at pasimpleng nag ayos ng buhok. Nakakahiya eh! Kakagising ko lang kaya!
"If you're concern about your bagong gising look, don't worry, you still look very cute, Jho."
Napatigil ako tsaka siya nairapan. Ang aga aga ha!
"A-ano ba kasi ginagawa mo dito?! Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka!"
Imbis na sagutin yung tanong ko, bigla siyang pumasok sa loob at dire-diretsong naglakad na parang sarili niyang bahay at umupo sa sofa ng komportable.
Aba teka lang naman ano po.
Nung napansin niyang nakatingin lang ako sa kanya, tinaasan niya ako ng kilay.
"What?" casual niyang tanong.
Tumingin ako sa pinto na hanggang ngayon ay nakabukas pa rin tapos sa direction niya.
"Wala akong maalala na pinapasok na kita."
Nagkibit balikat siya. "Wala rin akong maalala na may sinabi kang bawal?"
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanficIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.