Thirty Two

5.9K 103 5
                                    

Jhoana

Hindi ko alam ang gagawin ko ng sabihin ni Ged yun kay Bea.

Mas nagulat pa nga yata ako kaysa sa kaniya eh. Kalmado lang kasi siya samantalang ako biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Nabasa mo naman siguro lahat ng messages ko sayo." sabi ni Ged habang deretsong nakatingin kay Bea na kasalukuyang nakikipagtitigan sa bote ng smirnoff sa harapan niya.

Messages? Parang wala yata akong alam na messages? Nagtetext pala si Ged kay Beatriz? Bakit wala siyang nabanggit sa akin?

"Uhm." Napatingin lahat kay Jia ng magsalita ito. "Tara Kat. Samahan mo ako sa restroom."

"Sure ate Jia." agad na sagot ni Kat sabay tayo nilang dalawa na parang nagmamadaling makaalis.

"Teka!" Napatayo din ako. "Hintayin niyo ak---"

Napatigil ako ng biglang hawakan ni Bea ang kamay ko.

"No. You stay here, Jho."

Nakipagtitigan ako sa kaniya ng ilang segundo. Yung mga titig niya parang nagmamakaawa na may halong pag aalala.

Kahit gusto kong umalis pero napaupo na lang ulit ako. Mukhang wala rin naman kasi siyang balak bitawan ang kamay ko.

Punyeta.

Katahimikan. Pumailanglang yon ng mga ilang segundo. Nakakabingi. Nakakailang. Nakakainis. Ang awkward pa ng pwesto kasi pinagitnaan ko silang dalawa.

Nagsalita si Bea. "Ged, I thought you already understand na---"

"Na si Jho ang gusto mo?"

Katahimikan ulit.

"Pero Bea, hindi ko mapigilang hindi umasa sa sinabi mo."

Sinabi?

Napatingin ako kay Bea. Nakakagat siya sa ibabang labi niya.

"Ged, it's not what you think okay? Kalimutan mo na yung sinabi ko sayo sa text."

Text?

So nagtetext nga silang dalawa?

"I can't. It's my only hope, Bea."

"I didn't mean it." Mariin niyang reply. Humigpit din yung hawak niya sa kamay ko. "Hindi naman mangyayari yon eh."

"Who knows? Let's face the truth, there's a big possibility na hindi magwork out yang sa inyo ni Jho."

What the... ano itong pinagsasabi ni Cotoco?!

"Tsaka Bea, why are you pushing me away? Pabayaan mo na lang ako to be near you kasi ikaw na mismo nagsabi na pwede kitang ipursue if hindi kayo magwork out. Yun ang sabi mo. Diba?"

Parang bigla akong nabingi sa mga sinabi ni Ged. Parang hindi ako makahinga. May mga sinabi si Bea pero hindi ko na naintindihan. Hindi ko na pinakinggan.

Kung totoo mang sinabi nga ni Bea yon kay Ged, aba gago pala siya eh. Ano yon? May option siya? Reserba? Ginagago ba ako ni Bea?

Walang ano ano ay bigla akong tumayo at hinigit ko ang kamay ko na hawak niya. Nakalas ko iyon kasi hindi naman niya iniexpect na tatanggalin ko.

Mabilis akong naglakad palayo. Hindi ko alam kung sinundan ba niya ako basta takbong lakad ang ginawa ko para makalayo.

Nang iinit ang paningin ko. Inis na inis ako kay Bea! Parang feeling ko magagawa ko siyang sampalin kapag nagpakita siya sa akin.

"Ate Jhow! Saan ka pupunta?"

Napatigil ako ng makasalubong ko si Deanna at Jema. Kasunod nila sila Celine at Diana.

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon