Twenty Five

6.1K 166 86
                                    

Jhoana

"Ate?"

Naputol yung pagkatulala ko at biglang napaiwas ng tingin, hindi bigla alam kung saan titingin... sa manobela ba? Sa bintana?

"Wala ka bang balak umusad?" pagsasalita ulit ni Janel na nasa shotgun seat.

Napatingin ako sa kanya. "H-ha?"

"Yung kotse? Nandun pa kasi yung BEG ate remind ko lang?" Tinuro niya yung BEG. "Balak mo ba ako paglakarin papunta dun?"

Kumunot ang noo ko sandali tapos bigla kong narealize na hininto ko nga pala yung kotse bago pa kami makatapat mismo sa BEG.

Napakamot ako bigla sa noo. "A-Ah sorry." tsaka pinaandar na ulit yung sasakyan ng may kabagalan patungo sa harap ng BEG.

Kada takbo ng kotse palapit sa harap ng gym pahigpit ng pahigpit din ang hawak ko sa manobela.

Hinga Jhoana. Hinga.

Tangina paano ako hihinga kung umagang umaga bubulaga sa akin ang pagdating din ng kotse ni Bea sa BEG?

Nang tuluyang maitapat ko sa harap ng gym yung kotse, kasabay naman non ang paglabas ni Bea sa benz niya. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa manobela ng pagbuksan niya yung kabilang side ng kotse niya at iniluwa non si Millicent.

Bitbit niya yung training bag nito... mahigpit na umakbay sa kanya at inihatid ito sa loob ng BEG.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa tuluyan na silang makapasok sa loob.

"Sabi naman kasi sayo ate na wag mo na akong ihatid eh ang kulit mo. Winarningan na kita diba?" umiiling na sabi ni Jaja.

Hindi ako nakasagot. Napayuko lang ako at sunod sunod na lumunok nagbabakasakaling mawala yung kung anong bumara sa lalamunan ko.

Diretso siyang tumingin sa akin. "Sinadya mo 'to 'no? Yung makita siya?"

Napaiwas naman ako bigla ng tingin at tumulala sa entrance ng BEG kung saan sabay na pumasok yung dalawa kanina.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

"Naisip ko lang Ja na baka... ito yung kaylangan ko." I bit my lower lip at napayuko ulit. "Alam mo yon, yung makita siya... sila. Baka sakaling makatulong? Baka sakaling maging totoo na talaga para sakin? Na baka matanggap ko na kapag nakita na mismo ng dalawa kong mga mata?"

Natahimik si Jaja.

Nilunok ko yung namumuong luha. "Kaylangan eh." kaso pagkasabi ko non tumulo yung luha na pinilit kong pigilan. Agad ko rin namang pinunasan. "Sige na, baka malate ka pa sa training niyo."

Bumuntong hininga siya. "Ate baka gusto mo ihatid na rin ako sa loob? Tutal gustong gusto mo namang sinasaktan yung sarili mo."

Sinalubungan ko siya ng kilay na siyang iningiti niya ng mapang asar.

"Biro lang." bawi niya tsaka binuksan na yung pinto ng sasakyan. Pero bago pa siya tuluyang lumabas ay humarap ulit siya sakin. "Alam ko mahirap, but you have to move forward ate. Hindi pwedeng hahayaan mo lang yung sarili mo na nakastuck lang parati sa kung na saan ka man ngayon."

Parang may tumusok bigla sa dibdib ko.

Alam ko naman yon.

Lahat sinasabi na kaylangan ko mag move on. Kahit sarili ko paulit ulit kong sinasabihan. Pero hindi naman kasi ganon kadali yon eh... lalo na kapag mahal mo pa. Kahit pa alam mong hindi na pwede, it just doesn't stop.

Ang gago lang ng mundo 'no?

Bakit naman kasi ganon. Why do we find the right person in the wrong situation? Tapos when the situation becomes right, wala na yung taong yon. Ang gago talaga.

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon