Ten

5.7K 94 3
                                    

Jhoana

"Mcdo's here!"

Sabi ni Gizelle pagbalik nya samin habang excited na excited na hawak yung mga pinadeliver ni Bea.

We're about to start our movie marathon kasi and nakaready na yung laptop. Pati nga yung bed namin ni Gizelle pinagdikit na namin para magkasya kaming tatlo. Yung pinadeliver na lang talaga ni Bea yung hinihintay namin.

"Ang dami mo namang pinadeliver beh!" Nagulat kasi ako nung nakita kong ang daming dala ni Gi.

Parang lahat yata ng menu sa Mcdo binili ni Bea. Ibang klase talaga kapag malaki allowance walang pakialam sa mga pinapaorder.

Goals!

"Parang kulang pa nga yata eh? Should I add more?" Sabi ni Bea habang isa isang nilalabas sa panglagyan yung mga pagkain.

"Kulang pa? Eh sobra sobra na nga yan beh! Baka nga hindi na natin maubos yan lahat." Di ko makapaniwalang sabi.

"Sus Jho. If I know kulang pa yan sayo."

Ayon nahampas ko tuloy si Gizelle ng unan. Bastos eh!

"Grabe ka Gi! Mas matakaw ka kaya!"

"Aray!" Hinimas nya yung braso na nahampas ko ng unan. "Pagsabihan mo nga yang bestfriend mo Beatriz. Ang hilig manghampas."

Tumingin sakin si Bea habang ngumangatngat ng fries.

"Beh sana you're aware na super masakit humampas ang mga spiker kaya easy lang please." Sabi nya.

"Che!" Inon ko na yung laptop. Pagtutulungan na naman nila ako sa pang aasar eh.

Tumabi sakin si Bea habang kumakain na ng burger tapos si Gi naman nasa gilid nya. Kaya ang nangyari pinagitnaan namin si Bea.

Nagmukha tuloy kaming triangle 😂

Una naming pinanood ay E.T. Yun yung gusto nung dalawa eh kaya wala akong nagawa kahit ayoko. Parang masyado kasing pang bata para sakin pero talo ako dito sa dalawa eh 😞

Lagi naman! 😢

After ng first movie nagkunchabahan na naman yung dalawa. Gusto nila Marvel movies na naman daw.

"Mamaya na yan! Ako na naman mamimili ang daya nyo eh." Pagrereklamo ko.

"If that's The Breakfast Club again Jho I swear to God I wouldn't watch." Sabi ni Bea.

"Marvel na lang kasi Jho!" Pagpupumilit pa rin ni Gi.

"Ayoko. Ito muna papanoorin natin." Sabi ko sabay start ng movie na napili ko.

Tumahimik yung dalawa. Pero nung nag appear na sa screen yung title parehas silang nagreklamo.

"The Fault in our Stars?!" Halos ibuga ni Bea yung nuggets na nasa bibig nya.

"Seriously Jhoana?" Si Gi naman muntik mabilaukan sa sundae.

"Sshhh." Pagpapatahimik ko sa kanila.

Bat ba. Ang ganda kaya ng TFIOS. The best sobrang nakakaiyak. Tsaka yung kagwapuhan ni Gus nakakapanghina! Makalaglag panty ganern. Char.

Pero wala pa sa kalahati ng movie, tinulugan na agad ni Gizelle. Grabe. Boring ba talaga? Maganda naman ah.

Sumulyap ako kay Bea baka kasi mamaya nakatulog na din sya. Pero thank God hindi pa naman. Seryoso syang nanonood ng bigla syang tumingin din sakin.

"Bakit?" Nagtataka nyang tanong.

Ngumiti lang ako sabay iling at nanood na ulit.

Bigla kong naramdaman na umakbay sya sakin at mas nilapit ako sa kanya. Tapos hinalikan nya ako sa pisngi.

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon