Jhoana
The moment na biglang kinuha ni Bea ang kamay ko ay muntik ko yon bawiin pabalik. Pero parang nawalan naman ako ng lakas na gawin yon nang umpisahan niyang punasan ang kamay ko gamit yung tissue na tinitigan ko lang kanina.
Gusto ko siya patigilin sa ginagawa niya dahil hindi niya dapat ginagawa 'to. At the same time, parang gusto ko maiyak na lang sa harap niya. Pero kapag ginawa ko yon, baka magtaka siya kung bakit iniiyakan ko yung simpleng pagpunas niya sa kamay ko. Ang babaw naman kasi masyado.
Ang babaw talaga pero nakakaiyak. Ewan ko rin.
Gusto kong magsalita pero parang nalaglag din yata yung dila ko sa sahig at nasama ma-mop nung staff kasabay nung nalaglag ko na icecream kanina. At sa bawat paghaplos niya ng tissue sa palad ko parang mas lalong nanginginig ang kamay ko. Sana lang talaga hindi niya mapansin yon.
Shet Jhoana! Huminga ka!
Doon ko lang din napansin na nagpipigil na rin pala ako sa paghinga.
"Are you okay?"
Naging dahilan ang pagsasalita niya para mapabalik ako sa wisyo. Bigla kong binawi ang kamay ko na animo'y nanakawin niya iyon sa akin.
"O-oo. S-salamat." nauutal kong sagot kaya napaiwas ako ng tingin. "Hindi mo naman kaylangan gawin yon."
"I know." mabilis niyang sagot kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.
Gusto ko sanang sumagot doon sa sinabi niya pero hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.
Bakit ganto?
Bakit kung saan nasasanay na ako, ngayon naman pilit pinaglalapit ulit ang mga landas namin?
Magsasalita na sana ako para magpasalamat ulit pero parehas kaming napalingon ng may pumasok.
Si Nico na may bitbit na popcorn.
Nang mapansin niya si Bea sa harap ko, biglang nagseryoso ang mukha niya dahilan para ma-tense ako ng kaunti. Agad siyang lumapit sakin at humawak sa bewang ko. Kitang kita ko yung pagbaba ng mga mata ni Bea sa kamay ni Nico. Napalunok ako at napayuko.
"What happened?" pabulong na tanong sakin ni Nico. Pero alam kong narinig yon ni Bea. Masyado siyang malapit sa akin.
Ano nga ba'ng nangyari?
Nalaglag yung icecream ko at pinunasan ni Beatriz ang kamay ko.
Pero syempre parang hindi ko yata kayang ipagtapat sa kanya yung ginawa ni Bea. Ano naman kasing isasagot ko kapag nagtanong siya kung bakit si Bea pa ang nagpunas ng kamay ko eh kayang kaya ko naman gawin yon?
Kasi ganon siya katulungin at kabait na tao at hinayaan ko lang siya maging matulungin at maging mabait sa akin kanina.
Ganon?
Pasagot na sana ako sa tanong niya kung anong nangyari ng magsalita si Bea.
"I'll go now."
Mabilis niya akong nginitian bago siya tumalikod para bumalik sa table nila Maki at Cel na kanina pa nanonood sa amin. Sa bilis ng mga pangyayari hindi ako nakareact.
"Ano ba'ng nangyari?" tanong ulit ni Nico.
"N-nalaglag kasi yung icecream ko." wala sa sarili kong sagot.
"Akala ko kasi ginugulo ka na nam---" Napahinto siya sa kanyang akmang sasabihin ng nagsalubong ang kilay ko. "Never mind. Do you want me to buy you a new one?"
Agad akong umiling. "Hindi na. Tsaka malapit na mag umpisa yung movie." which I think kanina pa nga yata nag uumpisa.
Tumango lang siya at agad na kaming lumabas para pumuntang sinehan. Gusto kong lingunin si Bea pagkalabas namin pero pinigilan ko ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanfictionIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.