Seven

5.3K 132 50
                                    

Jhoana

Pagkamulat ko ng mga mata, agad kong naramdaman ang ulo ko na parang mababasag sa sobrang sakit. Napangiwi ako at minasahe iyon habang nililibot sa paligid ang mga mata ko.

Wala si Kim sa kwarto at wala rin akong matandaan kung paano ako nakapunta dito sa room namin. Ang huli kong naaalala, nag inuman kami sa may tabing dagat. Yun lang.

Na saan na ba kasi si Kim? Tsaka anong oras na ba?

Kinapa ko ang cellphone ko sa kama. Pero parang biglang humiwalay sa katawan ko ang aking kaluluwa ng makita ko ang suot kong tshirt kagabi na nakalapag sa may tabi ko.

Agad nanlaki ang mga mata ko ng makita kong ang tanging suot ko lang sa pang itaas na bahagi ng aking katawan ay ang aking bra.

Napahawak ako sa ulo ko.

Tangina.

Anong nangyari kagabi?!

Unti unting gumapang ang kaba sa buo kong katawan. Wala talaga akong maalala kahit kaunti! Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakabalik dito sa room! Yung nangyari pa kaya?

Pero parang impossible naman na may nangyari kagabi di ba? Hindi naman ako papabayaan ng mga kasama ko. Impossible talaga. Tsaka kanino naman di ba?

Tinapik ko ng paulit ulit ang dalawa kong pisngi.

Kalma Jhoana. Walang masamang nangyari okay? Baka naman sobra lang akong nainitan kagabi kasi hindi nakabukas yung aircon kaya tinanggal ko ang tshirt ko. Oo ganon siguro.

Nang makalma ko ang sarili ko, agad kong isinuot pabalik ang tshirt at tumayo sa kama. Sobrang sakit pa rin talaga ng ulo ko. Hindi ko na rin kasi alam kung naka ilang bote ako kagabi.

Paglabas ko ng kwarto, nadatnan ko yung apat na nagsisimula ng mag breakfast... or should I say brunch. Mag aala una na rin kasi.

Pero may kulang.

Bakit hindi nila kasama si Bea?

"Kumusta ang hangover?" pang aasar ni Kim pagkalapit ko sa kanila.

"Worse." sagot ko sabay tanggap ng tasa na may lamang mainit na kape na isinalin niya para sa akin.

Napailing na lang siya sakin.

Si Jules naman na nakaupo sa harapan ko, ayon nakapikit habang minamasahe ang kanyang ulo. Si Gi at Jamie naman ang sama ng timpla ng mga mukha.

Grabe pala talaga kami kalasing kagabi.

"Uh... tulog pa si Bea?" hindi ko na napigilang magtanong. Hindi ko pa rin kasi siya nakikita.

"Bumalik na ng Manila si Bea."

Napahinto ako bigla sa pag inom ng kape.

"B-bumalik na ng Manila?"

Eh bukas pa naman ang uwi namin!

Tumango si Kim. "Nagmamadali siya kaninang umaga umalis. Tinanong ko nga kung bakit pero ang sabi lang niya kaylangan na raw talaga niyang umuwi." Mainam akong tinitigan ni Kim. "Nag away ba kayo kagabi?"

Medyo natigilan ako sa tanong niya at napaisip bigla.

Nag away nga ba kami ni Bea?

Pero bakit naman kami mag aaway? Punyeta. Wala talaga akong matandaan!

"Kasi kayo naman yung huling magkasama Jho. Siya pa nga yung naghatid sayo sa kwarto natin." dagdag ni Kim.

Muntik akong mapamura ng malaman kong si Bea ang huli kong kasama kagabi.

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon