Thirty Eight

4.9K 93 43
                                    

Beatriz

I made myself comfortable in my seat inside my benz but I failed miserably.

Nasaan na ba si Gequillana? Anong oras na!

I was about to call her when the door of my car opened. Ah, finally! Kim plopped herself on the seat beside me. All sweat and haggard.

"Why so tagal Kimmie!" suway ko.

"Woah. Goodmorning to you too!"

I rolled my eyes.

Sinundo ko kasi siya sa field because she did some rounds early in the morning. (Ugh official driver ng Lady Eagles duties 😑) Dapat sabay kami magjojogging kanina but I got lazy to get up kaya sabi ko susunduin ko na lang siya after para tigilan niya ako kanina. Nakakatamad kasi talaga tsaka rest day naman namin kaya hindi ako masyado nagiguilty skipping an early jog.

"Bakit ba kasi nagmamadali ka, Beadel? Wala naman tayong training!" sabi niya habang nagpupunas ng pawis.

"You know naman I have something to do pa diba." makabuluhan kong sagot.

"Ano na nam---" napatingin siya sa rearview mirror. "Ohhh right. Sunflower until now, De Leon?"

I didn't say anything at nagstart na lang ako magdrive pabalik sa dorm.

"Ang yaman na siguro ng flowershop. Araw araw ba naman bumibili ng sunflower si ate girl." pang aasar niya.

I just rolled my eyes again at her.

"Magpatayo kana lang kaya ng sunflower farm para hindi kana gumastos araw araw."

"Ewan ko sayo, Kimmie."

She started laughing. "Joke lang naman! Ang seryoso nito masyado!" Umayos siya ng upo. "But seriously Bei, it has been what? A month? Hindi ka pa ba napapagod?"

Napahigpit ang hawak ko sa steering wheel.

Kung pagod lang ang pag uusapan, pagod na pagod na. Pero wala eh, mahal ko talaga.

True. It's been a month. Actually, 1 month and 2 weeks. Eto pa rin ako. Hindi pa rin umuusad.

Para akong nangliligaw sa tao na ayaw sa akin. Yun bang umaasa sa wala but still umaasa pa rin. Never pinansin yung mga efforts pero tuloy pa rin.

Kung may award lang baka matagal na akong nabigyan.

"If you love a person..." I glanced at her. When I saw she's listening, I continued. "You just... you just don't stop. Kahit sobrang pagod kana. Kahit mamatay kana sa pagod. You don't stop."

Napatango siya ng paulit ulit. Parang hindi alam ang sasabihin.

"Grabe. Salute na talaga ako sayo girl. Ibang klase ka." she started patting my shoulder. "Sana magising na si Jhowjhow sa katotohanang malaki laki na ang nagagastos mo sa pasunflowers everyday kaya dapat bumalik na kayo sa dati."

I laughed a little pero nagseryoso rin ako at napabuntong hininga. "I wish, Kim. I really do wish."

Pagdating namin sa dorm, Kim accompanied me papuntang room nila Jho at Deanna. Bitbit ko na yung sunflowers at akmang ilalapag na iyon sa harap ng door as what I always do every morning when suddenly, the door swung open.

Napahinto si Jho when she saw us.

"Goodmorning, Jho." maingat kong sabi.

When she smiled a little at me, I swear my heart jumped in happiness. At least nginitian niya ako kahit papano today. Masaya na ako ron.

Bigla kong naalala yung hawak kong bulaklak. "For you nga pala."

First time in so many weeks na ibinigay ko ng harapan sa kanya ang sunflowers. Iniiwan ko lang naman kasi lagi sa pintuan nila.

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon