Jhoana
Pagkasabi ni Bea non ay parang natuod ako bigla sa kinatatayuan ko. Yung lalamunan ko parang biglang natuyo kaya hindi ko magawang magsalita. Tapos yung puso ko parang gusto ng lumabas sa loob ng dibdib ko.
"Bea..." sa sobrang dami kong gustong sabihin at itanong pero yan lang ang tangi kong nasabi.
Parang hanggang ngayon nagloloading parin sakin yung sinabi nya.
"God knows how hard I tried to stop this feeling. Everyday. Everyday I conditioned myself to ignore this. Pero ang hirap. Ang hirap pigilan Jho. I'm sorry." Pinunasan nya yung tumulong luha sa pisngi nya.
Gusto kong yakapin sya pero hindi ko magawa.
All this time kasi akala ko kaya sya nagkakaganyan dahil hindi ko nasabi sa kanya agad yung tungkol sa pangliligaw ni Marci. Pero hindi ko inaasahan na may mas malalim pa pala syang reason.
Reason na never pumasok sa isip ko.
Sa totoo lang parang ayokong paniwalaan yung sinabi nya. Gusto kong bawiin nya yon. Gusto kong sabihin nya na nagjojoke lang sya at hindi yon totoo.
Si Bea to eh. My bestfriend. Team mate. Food buddy. Driver.
Tapos malalaman ko gusto na nya ako?
Parang... parang ang hirap naman non 😯
Syempre babae kami parehas tapos.. ugh basta! Ang hirap!
"Jho, I'm not asking if we can be together as romantic lovers. I'm just trying to tell you that I fell in love between our friendship. Mahal kita Jhoana Maraguinot."
Nang sabihin nya yon ay parang huminto yung pag hinga ko. Parang biglang nakalimutan ng sistema ko kung paano huminga.
Nagulat na lang ako ng alisin nya yung kamay ko na kanina pa nakahawak sa kamay nya.
"But I'm not the one for you. I will never be the one for you." Kitang kita ko kung paano tumulo yung luha nya pagkasabi nya non.
Bago pa ako makapagsalita ay bigla na syang umalis sa harap ko at deretsong naglakad palabas ng bahay nila.
Gusto ko syang sundan. Pero hindi ako makagalaw. Gusto ko syang tawagin. Pero hindi ako makapagsalita. Natulala na lang ako sa nilakaran ni Bea habang paulit ulit na nagrereplay sa utak ko yung mga sinabi nya.
Shet.
Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko!
Ni hindi man lang ako nakapagsalita bat ganon! 😣
Pero ano naman ang sasabihin ko?
Sinabi niya ba talaga na gusto niya ako?
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok. Yung paghinga ko ang lalim. Para bang ngayon lang ako natuto huminga.
Nung medyo nahimasmasan na ako sa pagkashock sa mga sinabi ni Bea ay nagdecide na akong umalis kahit parang wala ako sa sarili at hindi alam kung anong gagawin.
Ayoko namang nandito pa ako pagkabalik ni Bea no. Parang hindi ko pa kasi alam kung paano sya harapin sa ngayon.
Palabas na ako ng pinto ng bahay ng mga De Leon ng makasalubong ko si Tita Det na may mga bitbit na grocery. Nagulat pa nga ako kasi akala ko si Bea.
"Oh Jhoana." Kunot noong sabi ni Tita. "I didn't saw Isabel's car sa garage. Akala ko bumalik na kayo sa dorm."
"Uh tita kasi ano.. uhm m-may pinuntahan po si Bea." Pagsisinungaling ko.
Well totoo naman. May pinuntahan naman talaga sya hindi ko lang alam kung saan 😔
"Oh I see." Napapailing na sagot ni Tita Det. "By the way Jhoana, dito kana maglunch. I'll be cooking."
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanficIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.