Jhoana
"Ayaw mo ba sa pagkain, Jho?" nagtatakang tanong ni Kim habang nakatitig sa plato ko na halos wala paring bawas.
Mag aala una ng makarating kami sa resort na pinareserve ni Kim dito sa Bacolod. Nag lunch agad kami pagkarating dahil nakakagutom yung biyahe pero hanggang ngayon halos nakakaisang subo pa lang ako.
Agad akong napailing. "Hindi naman." mabilis kong sabi sabay subo ng kanin.
"Bumebwelo lang yan si Jho. Mamaya lang ubos na yang nasa plato niya." sabat ni Gizelle.
Muntik kong mabato sa kanya yung hawak kong kutsara na ikinatawa lang niya.
"Nawalan lang siguro ako ng gana." sabi ko. Nalipasan din kasi ako ng gutom habang nasa biyahe kami papunta dito.
Pero bukod doon. Hindi ko lang din talaga magawang malunok ng maayos yung pagkain ko. Nakapuwesto kasi si Bea sa tabi ko na ganadong ganadong kumain at hindi ko alam pero hindi ako mapakali na ganito siya kalapit sa akin. Tumatama pa paminsan minsan yung siko niya sa braso ko.
Nakakainis. Bakit ba may ganitong effect siya sakin?
Ramdam kong lumingon sa akin si Bea. Napainom tuloy ako bigla ng tubig.
"You have to eat, Jho." marahan niyang sabi.
"Oo nga ate Jhowjhow. Di ba nag coffee ka lang kaninang umaga?" sabi naman ni Jules.
"O-okay lang. Wag niyo ko alalahanin." sagot ko. Medyo nautal pa.
Akala ko doon na magtatapos yon. Pero biglang nang init ang mukha ko ng ilagay ni Bea yung mga binalatan niyang shrimp sa plato ko. Tapos mabilis siyang nagbalat ulit at inilagay ulit iyon sa plato ko.
"Anong ginagawa mo?" pagtataka ko. Nagdedebate pa ang utak ko kung ibabalik ko ba sa plato niya yung mga hipon.
"Just eat. Masama ang nagpapagutom." maikli niyang sagot na parang napakanormal lang nung ginawa niya.
Oo normal lang yon... dati. Iba na kasi ngayon.
Napatitig ako sa mga binalatan na hipon na inosenteng nakalagay sa plato ko. Napalunok ako. Hanggang ngayon ganon pa rin siya. Hindi pa rin siya nagbabago.
Pag angat ko ng tingin tinititigan ako ng makabuluhan ni Gizelle. Yung tatlo naman pangiti ngiti habang kumakain na nagpapatay malisya lang. Mas nang-init tuloy ang mukha ko.
Hindi niya dapat 'to ginagawa.
Bea naman! Please lang wag ka namang ganto oh!
Ayoko ng ganito siya kabait sa akin. Hindi ko maiwasang hindi ma-guilty dahil hindi ko naman deserve yung ipinapakita niyang kabaitan. Mas gugustuhin ko pa kung hindi niya ako pansinin at wag kausapin.
Para hindi rin ako nahihirapan.
After ko makipagtitigan sa mga hipon, nagsimula na rin naman ako kumain. Nakakahiya naman kasi kung hindi ko kakainin yung nilagay niya. Baka isipin pa niya maarte na ako. Kahit ang totoo, gusto kong iyakan yung hipon sa di malamang kadahilan.
After ng sobrang habang lunch. Nagpasyang umidlip ng iba dahil na rin sa pagod sa biyahe. Kami naman ni Jamie nag sightseeing sa resort. Kaso mukhang nanibago yata yung tiyan niya sa mga kinain namin kanina kaya ayon tinawag ng kalikasan kaya naiwan ako mag isa sa may tabing dagat.
Habang naghihintay kay J, napansin ko si Bea na nakatayo medyo malapit sa kinauupuan ko kaya napatigil ako sa pagpicture ng dagat na para sa ig story ko sana. Mag isa siya at nakapamulsa sa suot niyang puting short habang deretsong nakatingin sa araw na nagsisimula ng maging orange. Yung alon payapang humahampas sa mga paa niya.
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanfictionIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.