Twenty Nine

6.6K 115 10
                                    

Jhoana

Hindi ako mapakali.

Simula nung natapos ang usapan namin ni Bea sa phone ay hindi na naalis yung pagkatense ko.

Totoo ba talaga?

Totoo bang tanggap kami ni tito Elmer at tita Det? At pinapapunta nila ako sa kanila? Totoo ba??

Nakakaoverwhelm! At the same time ang hirap paniwalaan!

Parang kanina lang nagtatampo pa ako sa Starbucks dahil kay Jana. Parang kanina lang nasa bahay nila si Ged na nagformally introduce ng sarili niya kay tita dahil gusto niya ipursue si Bea. Parang kanina lang nagmamadali akong umalis sa bahay nila dahil narinig ni kuya Loel yung pagsabi ni Bea na ako ang gusto niya at natakot ako masyado.

Tapos eto ako ngayon hindi makatulog dahil gusto ako papuntahin nila tito at tita dahil alam na nila kung anong meron sa amin ni Bea at okay lang sa kanila.

Paano ako makakatulog? Ang daming nangyari!

For the first time parang kinakabahan ako magpakita kanila tita. Kaya nga nakiusap ako kay Bea na baka pwedeng after na lang pagbalik namin from Batangas para sa AV Skills Camp ako pumunta sa kanila. Pero ayon ayaw magpatinag ni Beadel. Masyadong excited na papuntahin ako sa kanila.

Hindi ko naman siya masisisi. Syempre alam ko masaya lang siya kasi alam ko naman na masarap sa feeling yung tanggap ka ng magulang mo. Pero sa part ko, nakakakaba! Kahit pa sabihing tanggap kami, pero iba naman kasi etong sa amin ni Bea. Ibang iba. Hindi normal na set up.

Kaya ayon, hindi ako pinatulog ng kaba ko at kakaisip. Kaya muntik ng bumagsak yung mga mata ko nung nasa loob na ako ng sasakyan ni Bea papunta sa house nila.

Napakaaga niya akong sinundo. Excited lang masyado. Sa sobrang aga nga eh hindi pa ako nakakapaghanda at halos kakagising ko lang sa almost 3 hours kong tulog. Siya na nga yung nag ayos ng gamit ko para sa pagpunta namin sa Batangas bukas dahil ayaw na niya akong pauwiin pa sa dorm mamaya. Doon na daw ako matulog sa kanila.

Hinayaan ko na lang. Ang ganda ng mood niya eh. Napakasaya. Samantalang ako kinakabahan harapin sila tita Det. Parang ewan lang.

Jusko

"Beh, sure kang okay lang talaga kanila tita?" hindi ko mapakaling tanong nung kunin ni Bea ang backpack ko at siya ang nagdala pagkalabas namin ng kotse niya.

"Yes. Okay na okay na sa kanila kaya you don't have to worry." Mabilis niyang hinalikan ang gilid ng noo ko tsaka kami pumasok sa gate.

Pagpasok namin sa bahay nila grabe yung kaba ko hindi ko maexplain.

Ilang beses na nga ba akong nakakapunta dito? Hindi ko na mabilang. Pero parang first time ulit ngayon sa pakiramdam. Nakakailang.

Agad kaming sinalubong ni tita Det na nakangiti at agad niya akong niyakap. Lagi naman niya ginagawa 'to pero parang gusto ko maiyak ngayon. Kakaiba sa feeling. Ramdam ko yung acceptance sa yakap niya.

After that si tito naman ang lumapit sa akin. "Dapat siguro hindi na bunso ang itawag ko sayo. Siguro dapat daughter in law na?"

Nahiya ako ng sabihin ni tito Elmer yon kaya hindi ako nakapagsalita. Si tita naman natawa at nahampas ng mahina sa braso si tito. Si Bea naman naiiling na natatawa. Pero halatang namumula.

"Tito naman." nahihiya kong tugon sabay yakap sa kanya.

"Joke lang. You'll always ba our bunso." Pagka kalas niya sa pagkakayakap sakin humawak siya sa right shoulder ko. "Basta kapag may ginawang kabalastugan etong si Beatriz, sabihin mo sakin ako bahala."

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon