Eleven

6K 98 9
                                    

Jhoana

Naalimpungatan ako ng marinig ko yung ingay ng pinto.

Teka. Anong oras na ba? Parang ang taas taas na ng sikat ng araw.

Kinusot kusot ko yung mata ko pero napatigil ako ng mapansin kong ako na lang mag isa ang nasa kama.

Nasan si Bea at Gizelle? Ang alam ko magkakatabi kami kagabi ah.

Patayo na sana ako ng biglang dumating si Gi.

"Si Bea?" Tanong ko agad sa kanya.

Halos mapatalon at mamutla sya sa gulat.

"Jho naman! Bigla bigla kana lang nagsasalita dyan nagulat tuloy ako! Akala ko tulog ka pa!" Bulalas nya.

"Sorry naman. Saan ka ba galing? Tsaka na saan si Bea?"

"Kakaalis lang po ni Beadel. Kaylangan daw nyang umuwi kasi nakapagpromise sya sa Fam nya. And also, nagjogging po ako Ma'am." Sabi nya.

Loko yun si Beatriz ah hindi man lang ako ginising. Tsaka sana sinama na lang nya ako sa kanila! Tutal bunso naman na daw nila ako sabi ni Tito Elmer. Charing 😆

"Bakit hindi nyo ko ginising?" Kunot noong tanong ko.

"Ayaw ka gisingin ni Bea eh. Yayayain ko nga sana kayo magjogging kanina pero ang himbing himbing ng tulog nyo!" Sabi nya habang tinatanggal yung sintas ng shoes nya. "Hindi nyo pa ako sinama sa cuddle nyo nakakatampo."

Natahimik ako sa sinabi nya.

Cuddle? Kami ni Bea? Parang wala naman yata akong maalala ah.

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nya at tumayo na ako. Papunta na sana ako sa cr ng mapansin ko yung bigay ni Marci na Pooh stuff toy na nasa sahig nakatuwangwang.

Kawawa naman si Pooh! Paano napunta to sa sahig?

Kinuha ko yon at pinagpagan tsaka nilagay sa gilid ng kama ko.

"Uy ingat na ingat sya sa bigay ni Marci." Biglang pang aasar ni Gizelle.

"Alam mo naman na sentimental akong tao Gi. Lahat ng bagay na binibigay sakin inaalagaan ko kahit sino pa nagbigay nyan."

Totoo yun. Kahit nga yung mga bigay ng supporters na mga letters sakin iniingatan ko talaga ng husto pati yung mga gifts na natatanggap ko from my friends since highschool nasa akin parin nakatago. Ganon kasi akong type ng person. Kahit walang kwentang bagay tinatago ko pa rin. Sayang kasi yung memories.

Nung lunch ay nagpunta kami ni Gi at Deanna sa SM Megamall para imeet si Ate Ella. Bigla kasi syang nagyaya magsine dahil namimiss na daw nya ang ALE. Eh kaming tatlo lang naman yung naiwan sa dorm nila Deans at Gi kasi kapag weekend talaga halos lahat umuuwi tapos yung iba naman may klase kapag sabado. Kaya kami lang yung nakapunta.

Medyo tampo pa nga sya eh lalo na nung tumawag si Ate Ly na hindi sya makakapunta dahil may photoshoot sya for an endorsement. Kaya ayon nagmamaktol habang naglalakad kami para humanap ng masarap na makakainan.

"Minsan na nga lang ako magyaya tapos kayo lang yung pupunta! Nakakatampo yung Lady Eagles!" Nakapout na sabi ni Ate Ells.

"Ok lang yan Ate Ells. Set kana lang ulit ng day yung free ang lahat." Sabi ni Gi.

"Oo nga. Tsaka ayaw mo ba kaming kasama?" Nagkunyari pa akong parang nalulungkot.

"We're fun to be with naman Ate Ells." Dagdag ni Deanna.

Biglang tumigil sa paglalakad si Ate Ella kaya napatigil din kami. Bumunggo pa nga sa likod ko si Deanna kasi busy sya sa phone.

Nag cross ng arms si Ate Ells.

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon