Jhoana
Si Bea ang nagbayad ng mahal na hapunan namin. Pa-blow-out kuno niya tutal nanalo naman daw sila sa first game kanina.
Hindi ako pumayag noong una. Syempre. Nagkaroon pa ng kaunting aberya kasi ayoko talaga na siya ang magbabayad ng kinain ko. Pero ano namang laban ko sa card niya na isang swipe lang okay na?
Wala
Kaya ayon, si Bea ang nagbayad.
Hindi ko alam kung nireason lang niya yung pa-blow out or sadyang ayaw lang talaga niya ako pabayarin. Kilala ko 'tong si Beatriz eh. Galante.
Paglabas namin ng restaurant, nakasunod lang ako sa kanya papunta sa kotse niya ng bigla siyang tumigil sa paglalakad at biglang lumingon sa akin.
"Is it okay if iwanan muna kita dito saglit? Punta lang ako 7/11." Itinuro niya yung 7/11 na nasa harap lang ng restaurant na kinainan namin. "I'll just buy water. Mabilis lang."
"Pwede naman kita samahan." sagot ko.
"Okay lang?"
Medyo natawa ako. "Oo naman 'no."
Ngumiti siya tsaka kami tumawid sa kabilang side ng highway. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami ng 7/11. Agad naman siyang dumiretso sa mga drinks sa dulo habang ako naman ay naglakad lakad lang sa aisle ng mga snacks at nagtingin tingin habang naghihintay sa kanya.
Sinilip ko siya sandali, papunta na siya sa pila sa cashier para magbayad. Nang bigla siyang lumingon kung na saan ako ay nagkunyari akong namimili ng pwedeng bilhin na snack. Napadampot pa tuloy ako ng Piatos pero agad ko rin naman ibinalik dahil wala naman akong balak bumili ng kahit ano.
Niyakap ko ang sarili ko dahil medyo malakas ang aircon tsaka ko pinagpatuloy ang pagtingin tingin habang naghihintay kay Bea.
Sinong mag aakala na may ganitong mangyayari ngayong gabi? Ang buong akala ko lang naman ay makakalaro ko lang siya sa first game. Yun lang talaga. Hindi naman ako nainform na mauuwi sa ganito na may pag-dinner, pag-7/11 at may pag-hatid pang ganap.
Wag mo kalimutan Jho na may pag-kanta ng Middle at pag-turo turo pa sayo kanina...
Napailing ako bigla sa sarili.
Pagtuwing naaalala ko yung kanina nang iinit pa rin talaga ang mukha ko. Hindi ko naman kasi inaasahan na alam niya pa rin ang kantang yon. Sa tagal na rin talaga akala ko limot na niya...
Para pa tuloy akong tanga kanina.
"With you..." This time, daliri na niya ang itinuro niya sa akin. "in the middle."
Sa buong segundo na sinabayan niya ang kanta, wala akong ibang ginawa kundi tumulala sa kanya na parang ewan.
Feeling ko kinukulang ako sa oxygen sa ginagawa niya at sa nangyayari. Yung kanta, yung lyrics, yung boses... at yung bawat pagturo sa akin na para bang bumabalik kami sa mga panahon na okay pa ang lahat ay sapat na para magwala ng tuluyan ang sistema ko.
Nang matapos ang kanta ay ngumiti siya at sumandal, tumingin sa kawalan habang hindi pa rin nabubura ang mga ngiti sa kanyang labi.
"Gosh. That song will never get old." marahan niyang sabi.
Napalunok ako. Doon ko narealize na sobrang tuyo na pala ng lalamunan ko kaya inabot ko yung baso ng tubig at uminom na animo'y ngayon na lang ulit ako nakainom ng tubig sa tanang buhay ko.
Bigla niyang inilipat sa akin ang kanyang mga tingin. "It's so nice hearing it again after such a long time."
Yes. But Bea, paano ko papatigilin ang nagwawala kong puso ngayon? Hindi yata 'to nice.
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanfictionIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.