Jhoana
"For how long will you lock yourself inside ate Jho?"
Napaangat ang tingin ko kay Deanna pero agad ko rin binawi iyon at ibinalik sa hawak kong libro na hindi ko naman talaga binabasa.
"Hindi ka ba naiinip dito?" tanong niya.
"Kung naiinip kana, hindi naman kita pipigilang umalis." sagot ko.
Ngumuso siya. "Hindi naman sa ganon ate Jhowjhow. Worried lang ako. Ilang araw kana bang nagkukulong dito sa condo mo? Nasisikatan ka pa ba ng araw?"
"Lumalabas naman ako."
"Kelan? Kapag may training ka?"
Inangat ko ulit ang tingin sa kanya. Diretso siyang nakipagtitigan sa akin.
"Are you even eating right?"
Napaiwas ako ng tingin ng tanungin niya iyon.
Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung kaylan ako huling kumain ng tama.
"You know what ate Jhow, parang masarap magbuffet today?" Umayos siya ng upo. "Sambo tayo! Treat ko!"
Napahigpit ang hawak ko sa libro na nasa kamay ko.
Sambo
Isang tao lang yung pumasok sa isipan ko... si Bea.
Pati ba naman kainan, siya pa rin.
"Yayain mo na lang yung jowa mo." sagot ko.
Rinig ko ang pagkawala niya ng malalim na hininga tsaka siya ulit sumalampak sa upuan.
Tumahimik siya at nagpasyang aliwin na lang ang sarili sa kanyang cellphone.
Minsan etong si Deanna, makulit. Pero naaappreciate ko siya ng sobra lalo na kapag ganito siya. Yung kahit lagi kong tinatanggihan yung mga plano niya para lang aliwin ako, pero hindi siya umaalis.
Minsan nahihiya na ako.
Sinara ko yung hawak kong libro at bumuntong hininga.
"Ate Jhowjhow?"
Napatingin ako sa kanya.
Diretso niya akong tinitigan sa mata. "Until when?"
"Ha?"
"Hanggang kaylan ka magiging ganto?"
Natigilan ako sa sinabi niya.
Sa totoo lang, hindi ko alam.
"You have to do something... at least for yourself. Kahit para sa sarili mo na lang." sabi niya. "Hindi naman habang buhay na magtatago ka na lang. Diba? You have to face everything. You have to face ate Bea."
Napaiwas ulit ako ng tingin at mas minabuting tumitig sa labas ng bintana.
"Hindi ko pa kasi alam ang gagawin Deanns. Hindi ko pa talaga alam ang gagawin."
"But you have to know ate Jho. You have to know what you want. Ano ba ang gusto mong mangyari?"
Ano nga ba ang gusto kong mangyari?
Sa totoo lang, I want to be selfish. Wag na isipin yung mga consequences. Magpakabahala na lang. Pero sa tuwing iisipin ko na ano pa ba'ng silbi non? Biglang hindi ko na ulit alam.
"Hindi ko alam." umiiling kong sabi. "Pero si Nico... gusto niyang patunayan ko sa kanya na si Bea pa rin talaga ang mahal ko. Ayaw niya maniwala Deanns hangga't hindi ko napapatunayan sa kanya. Sabi niya kapag walang nangyari, gagawin niya ang lahat to get me back." Napahawak ako sa ulo. "Hindi ko na alam gagawin ko Deanns."
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanfictionIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.