Twenty Seven

6.3K 111 9
                                    

Jhoana

Halos isang linggo ang nakalipas ng wala parin talagang nakakaalam sa kung anong meron sa amin ni Bea... except kay Deanna at Jema na mukhang wala namang pinagkwentuhan na ibang tao.

Naging madali din para sa amin ni Bea na itago ang tungkol samin dahil vacation at hindi pa nagsisimula ulit ang training ng ALE. Walang mga makukulit na makikiusisa dahil halos lahat busy sa kanya kanyang bakasyon sa kung saan. Kami naman ni Bea busy din... sa isa't isa. Ang landi pakinggan pero ang clingy po keshe telege ni Delewon.

Kulang na lang ikandado na ako sa tabi nya.

Nagtatawanan kaming naupo ni Jia. Nagkasabay kasi kami sa pag open ng pinto papasok dito sa Starbucks. Nagkaasaran pa na baka kami talaga ang meant to be dahil ang lakas makakoreanovela nung ganap kanina.

"Ang bagal talaga kumilos ni De Leon at Wong. Ang usapan 3pm pero hanggang ngayon wala pa rin sila." Pagrereklamo nya.

Paubos na yung mga frappe namin pero wala parin yung dalawa.

Nagplano kasi kaming apat na magkita ngayon dito sa Starbucks dahil kakabalik lang ni Deanna galing Cebu at ibibigay nya yung mga bilin naming pasalubong. Hangout na din tutal kami kami lang ang nasa Manila ngayon dahil yung ibang ALE sinusulit pa yung maikling bakasyon bago magstart ulit ang paghihirap... I mean Training.

"Sa wakas!" Sambit ni Jia ng makita namin si Deanna na palapit sa amin.

"Oh di mo kasama si Jema?" Patay malisya kong tanong ng makalapit na sya.

"Jema?" Pagtataka naman ni Jia kaya napatigil si Deanna sa pag upo sana.

Napatigil ako sa pagsipsip sa frappe ko at ngumiti sa kanya ng labas ang ngipin. Ops. Nadulas. Sorry.

Pasalita na sana sya ng biglang dumating na din si Bea na basang basa pa ang buhok. Halatang nagmadali dahil hindi na nakapagpatuyo ng buhok.

"Sorry I was late. I fell asleep kasi." Sabi ni Bea sabay halik sa tuktok ng ulo ko na routine na nya tuwing magkikita kami tsaka lang umupo sa tabi ko.

Napasulyap ako kay Jia na palipat lipat yung tingin sa amin ni Bea. Parang gusto niyang magtanong pero mas pinili na lang na uminom ng frappe nya.

"Deanns, I thought you'll bring Jema?" Patay malisyang tanong din ni Bea.

Patago akong napangisi sa hindi sinasadyang paglaglag naming dalawa kay Deanna.

Promise hindi talaga namin sinasadya.

"Uhm..." naiilang na napakamot sa kilay si Deanna nang kunot noo siyang titigan ni Jia na parang lost na lost sa mga nagaganap.

"Wait nga! Teka! Time first!"

Nagulat kaming tatlo ng halos pasigaw na sabihin ni Jia yon. Nahulog pa sa mesa yung isusubo sanang cake ni Bea.

"Nagtataka na ako sa mga nagaganap eh. May dapat ba akong malaman sa inyong tatlo?!" Taas kilay na sabi ni Jia.

"What? Sa aming tatlo?" May pagturo pa si Bea sa sarili nya at sa amin ni Deanna.

"Oo. Sa inyong tatlo."

"Sa aming tatlo talaga Ju?" Sabi ko.

"Ate Jia naman. Mali yang nasa isip mo." Dagdag ni Deanna.

"Ha?" Ilang beses nagblink si Jia bago nagsalita ulit. "Teka. Naguguluhan na ako."

"Oh gosh Ju, do you think there's something going on between the.... three of us?" Mahinang sambit ni Bea na may pagturo ulit sa sarili nya at sa amin ni Deanna.

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon