Jhoana
Ilang minuto na ng nakaalis si Bea pero nakatayo pa rin ako dito sa dug out... sa pwesto kung saan niya ako iniwan kanina.
Para akong natuod.
Hindi makagalaw.
Diretso lang ang tulo ng mga luha ko habang nakikipagtitigan sa pwesto na tinatayuan niya kanina.
Hindi ganto ang gusto kong mangyari. Ginusto kong panindigan iyong nauna kong desisyon para wala ng gulo. But then, suddenly, eto ako... naipit sa posisyon na akala ko magagawa ko ng takasan.
Siya pa rin eh.
Siya pa rin talaga kahit anong gawin ko.
Pero ano pa ba ang magagawa ko?
Matagal na siyang nakausad. Ako na lang ang hindi... eh ako naman itong umalis.
"Ate! Kanina pa kita hina---"
Napaangat ang mga tingin ko ng marinig ko si Jaja. Agad naman siyang napahinto ng mapansin na umiiyak ako.
"Anong nangyari?" alarma niyang tanong ng tuluyan na siyang makalapit sa akin.
Mas lalong tumulo ang mga luha ko at agad akong yumakap sa kanya. Medyo nabigla pa ang kapatid ko pero hinayaan niya lang akong umiyak sa kanya at hindi na nag usisa pa. Siguro kahit hindi ko sabihin, alam niya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
Isa lang naman kasi ang puno't dulo ng lahat... si Bea.
Nang makauwi ako sa condo, wala ako sa sariling nagprepare ng pagkain. Pero useless din dahil nilapag ko lang din naman sa mesa yung niluto ko at tinitigan lang imbis kainin.
Hindi mawala wala sa isipan ko yung mga salitang sinabi ni Bea.
"You could've done something Jho. Anything. You know that. But no... you still chose him."
Siguro nga tama siya.
I have a choice. And I chose to leave her.
Dapat may ginawa ako. Kahit ano. Pero mas nanaig iyong takot ko. Mas nangibabaw yung takot na naramdaman ko.
I left her because I wasn't brave enough.
And now I am stuck in this mess.
Ang hirap. Lalo na kapag alam mong lahat ng tao sa paligid mo nakausad na... ako na lang itong hindi. Ako na lang ang hindi makausad gayong ako naman etong naunang umalis.
Ang hirap na paulit ulit kong sasabihin sa sarili ko na kailangan ko ng mag move on. Wala na eh. Tapos na. Pero sobrang hirap. Na sana madali lang gawin yon katulad ng kung gaano kadali sabihin. Pero hindi eh.
Because at the end of the day, I always find myself stuck at the same place. Kahit anong pagkukunwari ko. Kahit anong gawin kong pagsisinungaling sa sarili ko, eto pa rin ako eh. Walang usad.
Siguro may kaunting usad naman kahit papaano. Pero bumabalik balik pa rin talaga ako sa umpisa.
Dalawang taon kong pinaniwala ang sarili ko na dadating din ang araw na hindi na siya. Pero it never came. Kada pikit ko, kada tingin sa paligid, kada kilos, it's like I am always stuck in the past.
Hindi ko naman kasalanan na minamahal ko siya ng ganito. Hindi ko naman choice na mahalin si Bea ng ganito. Pero yung pain na nararamdaman ko ngayon is a choice. It's my choice. A choice I made 2 years ago.
Agad kong pinunasan ang luha na tumulo sa mata ko. Tumayo ako at tsaka niligpit yung pagkain na hindi ko man lang binawasan.
Papunta na sana ako sa kwarto para makapagpahinga ng magvibrate ang phone ko. Dali dali ko iyong kinuha sa bulsa at halos tumalsik palabas ng dibdib yung puso ko ng makita kung sino ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanficIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.