Jhoana
Ang dami nila, paulit ulit na pumapasok sa isip ko simula ng makarating kami sa venue ng outing na inorganize ng tito ko para sa Agno side ng pamilya.
Akala ko ayos lang sa akin. Outing lang naman. Puro family lang. Pero nung makita ko kung gaano kadami sa Agno side ang nandito, nakadama ako ng kaunting pagkailang.
May proud feeling dahil kasama ko si Bea.
Ngunit nakakakaba?
At talagang nakakailang.
Ganito rin kaya ang nararamdaman niya?
Hinanap ng mga mata ko si Beatriz. Saan na naman kaya dinala ni Jaja yon?
After ng kaunting ikot ng mga mata ko sa paligid ay nasipat ko siya sa may di kalayuan. Casual, comfortable, at mukhang nag eenjoy habang kausap ang ilan sa mga pinsan ko.
Watdapak
Wala man lang siyang bahid ng pagkailang kahit konti! Samantalang ako, eto hindi mapakali.
Pero watdapak talaga ulit
Bakit ang hot ni Beatriz sa suot niyang bikini? Partida may cover up pa yan na cropped fitted shirt sa taas pero nag uumapaw pa rin yung hotness. Nakakalunod.
Payapa kong pinagmamasdan si Bea ng lumingon siya sakin kaya nagkatinginan kami. Ngumiti siya tsaka nagpaalam sa mga pinsan ko at lumapit siya sa pwesto ko.
Pwede pala maging pogi kahit nakabikini?
Luh?
"Hey. Okay ka lang?" tanong niya nung tuluyan na siyang makalapit sakin.
"Hindi."
Kumunot ang noo niya. "What's the matter?"
"Hindi ako okay. Tingnan mo nga yang suot mo." tinuro ko yung bandang legs niya. "Nagshirt ka nga pero hindi ka man lang nagshort."
Natawa siya. "What's wrong with this? Eh we're at the beach."
"Kahit na. Hindi pa naman tayo maliligo."
Sus, self. Reklamo kunyari pero titig na titig kanina ano po.
"You're wearing a 2 piece din naman ah?"
"At least naka polo. Tingnan mo nga oh," tinuro ko ng nguso ko yung mga pinsan kong lalaki sa likod namin. "Kaya nag eepal sayo yang mga yan eh."
Nilingon ni Bea yung mga pinsan ko na kausap niya kanina. Tapos tumingin ulit siya sakin. Nakangiti na may bahid ng pang aasar. "Jho, if you're selos, tell me straight hindi yung pupuntiryahin mo yung suot ko instead."
Nanlaki yung mga mata ko tsaka ko siya nahampas sa braso.
"Ewan ko sayo Beatriz!"
Natawa siya. "You know what, nakakafrustrate na talaga."
"Yung ano?"
"Dinadaan mo sa paghampas yung kilig mo." nagpout siya. "Kawawa na yung braso ko."
Natigilan ako sa sinabi niya. Tapos akmang hahampasin ko ulit siya pero napatigil ako halfway ng ngumiti siya ng malawak.
"Oh diba. Ayan oh kinilig ka na naman."
Nairapan ko siya ng wala sa oras at napailing ako. "Hindi naman ako kinilig ah. Bakit naman ako kikiligin."
"Ang ganda mo."
"Ha?"
"Sabi ko ang ganda mo."
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
Fiksi PenggemarIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.