Beatriz
"Ang daming tao beh." Bulong ni Jho sabay hawak sa kamay ko.
Napatingin tuloy ako sa kamay namin. Biglang holding hands while walking na kasi kami because hindi na nya binitawan ang hands ko. I don't really hold my friends hands kapag naglalakad kaya this is a first time.
Me and Jho are walking to seaside MOA kasi to watch beach volleyball with Dad tagging behind us.
Wala kasi kaming class and training kaya when Dad said that he'll be watching beah volley, I decided to go with Jho kasi wala naman kaming gagawin today. Also need din ni Jho for her portfolio kaya she brought her camera.
And true enough, sobrang daming tao. Wala pa nga kami sa mismong venue pero ang dami ng nakakakilala samin. Especially nung nakarating kami, ang daming supporters na tumatawag samin ni Jho. Kaya we decided na lapitan sila sa may Barricade saglit para makausap sila and also take pictures na din.
After that, pumwesto lang kami sa may harap to watch the game. I sat on the floor kasi wala namang chair eh.
"Uy Bea madumi." Sabi ni Jho bigla pagkaupo ko.
"It's fine ano ka ba." I said laughing. She's looking at me kasi na para bang I did a sin eh I sat on the floor lang naman 😂
Napalingat lang ako saglit tapos pagtingin ko wala na si Jho. Saan nagpunta yon?
Pagbalik nya I saw that she's holding two small coolers.
"Eto beh oh. Dito ka umupo." Nilapag nya yun sa baba.
"Where did you get these?" Pagtataka ko.
"Kay Tito Elmer beh." She said pagkaupo namin. "Ayoko naman kasing sa lapag ka umupo no."
I can't help but smile. Si Jho kasi yung type ng tao na sobrang concern sa mga tao sa paligid nya. Though medyo OC sya minsan especially when it comes to my things but she's the kind of bestfriend that you wanna have.
Also, I'm happy because hindi nag eepal yung si Bacalla for days now after nung EK namin. Ang init kasi talaga ng dugo ko sa chinito na yun eh. Idagdag pa yang si Ged na panay parin papansin sakin whenever na magkikita kami sa Ateneo.
Inaasar tuloy ako ni Jho 😒
"Ang sexy ni Kim Dy." Jho suddenly said.
Napatingin tuloy ako kay Kim Dy na kasalukuyang naglalaro nung sinabi nya yon. Then I look at Jho in disbelief.
"Mas sexy ako." Sabi ko.
Natawa sya sabay tulak sakin.
"Hindi ah. Mas sexy parin talaga ako."
Kaya tinitigan ko sya na para akong nangdidiri kunyare.
"Pero seryoso beh. Ang ganda talaga ng katawan ni Kim Dy. Ang tangkad pa oh." Sabi nya na parang hangang hanga sya.
Matangkad din naman ako ah. Tsaka may abs ba sya? Baka abs at bicep ko pa lang talo na yang si Dy eh 😆
"Mas maganda naman ako." Sabi ko na lang.
Bat ba! Ayoko magpatalo eh.
"Oo sige na Beatriz. Ikaw na maganda. Ikaw na sexy. Ayaw patalo eh." She said while laughing.
"You forgot the swag." Mahangin kong sabi.
"Edi ikaw na may swag. Ikaw na lahat! Okay na?" Tinawanan ko sya sabay tango kaya natulak na naman nya ako. "Ikaw na din hearthrob."
I creased my forehead.
"Anong hearthrob ka dyan."
"Totoo naman! Di nga lang mga boys nagkakacrush sayo eh. Pati mga girls!" Pang aasar nya.
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanfictionIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.