Jhoana
Ano kayang nangyari kay Bea bakit ilang days syang hindi nagrereply? Simula kasi nung sinabi nyang maeextend yung vacation nila kasi biglaan yung Hawaii trip talagang nalungkot ako non. Miss na miss ko na kasi ang bestfriend ko at parang kulang talaga ang bawat araw kapag walang Bea de Leon na nangungulit.
Hindi ko alam kung kelan ang uwi nila kasi hindi pa rin talaga sya nagrereply. Baka sobra talaga syang nag eenjoy dun. Pero sana man lang magreply sya kahit isang beses 😔
After kasi nya magpost ng photo with her parents sa twitter wala na syang update pa ulit sa account nya. Nakakalungkot tuloy. Naiisip ko nga baka bumalik na naman sya sa Bea na mailap sa akin. Natatakot ako baka pagbalik nya dito hindi na nya talaga ako pansinin ng tuluyan.
"Uy Jhowjhow yung nguso mo malapit na umabot sa sahig." Biglang sabi ni Jia sa akin after training.
Napatingin ako sa kanya. "Ju, may balita ka ba kay Bea?" Curious kong tanong.
Parang nagulat sya pero agad din syang umiling.
"Wala. Bakit?"
Bumuntong hininga ako. "Halos one week na kasi syang hindi nagrereply sakin. Wala ba syang nasabi sayo kung kelan ang uwi nila galing USA?"
"Wala eh. Wala akong balita Jho." Iwas tingin nyang sagot at inayos ayos sa balikat yung training bag nya.
Mas lalo tuloy akong nalungkot. Akala ko kasi may alam si Jia dahil close din sila ni Bea.
"Nga pala Jho, birthday mo na bukas diba? Anong plano mo? Saan ka magcecelebrate? Uuwi ka ba sa Batangas?" Sunod sunod nyang tanong at parang curious na curious talaga sya.
Umiling ako. "Siguro sa dorm lang ako Ju. May training din kasi tayo. Hassle din naman kung uuwi ako sa amin."
Yun pa nga yung isa sa nga dahilan kung bakit nalulungkot talaga ako. Birthday ko na kasi bukas tapos wala pa rin si Bea. Baka nga walang alam yon eh.
"Ah ganon ba."
Pagkasabi nya non tumango tango sya na parang may iniisip.
"Ok ka lang?" Tanong ko sa kanya. Parang ang lalim ng iniisip nya eh.
Napabalik sya sa wisyo "Ah o-oo! Oo ok lang ako. Sige una na ko Jho. Advance Happy Birthday!"
Nagbeso sya sa akin at patakbong lumabas ng BEG na parang nagmamadali. Siguro hinihintay na sya ni Miguel sa parking.
Pagkaalis ni Jia biglang nagtext sa akin si Ate Ella.
From: Ate Ells
Advance hbd Jhoana! Dating gawi? 😜Napangiti ako. May tradition kasi kami nila Ate Ells at Ate Ly na kapag nagbibirthday ang isa sa amin ay kakain kami sa labas at hihintayin mag 12 mindnight.
Sinundo ako ni Ate Ells sa dorm at nagtungo kami sa isang 24/7 foodpark along QC. Nang makahanap kami ng pwesto namin ay namili na kami ng mga gusto naming kainin habang hinihintay namin si Ate Ly. Baka daw kasi humabol na lang sya dahil may tinatapos pa syang work. Alam nyo naman yon. Kabi kabila ang mga commitments.
"So anong plano mo bukas?" Tanong ni Ate Ells habang nilalantakan nya yung binili nyang bbq.
Nagkibit balikat ako. "Baka wala. Deretso uwi sa dorm after training ganon."
"Huh? Ganon lang?"
"Alangan naman magpaparty ako." Natatawa kong sabi.
"Pwede rin."
Sinalubungan ko sya ng kilay. Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na mahilig sa ganon. Simple lang naman ako tuwing kaarawan ko lalo na at wala naman dito sila mama.
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
Hayran KurguIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.