Eight

6.3K 111 9
                                    

Jhoana

After ako kausapin ni Ate Ly ay bumalik ako kay Bea na kasalukuyang busy sa kanyang phone sa gilid.

Buti na lang wala na si Therese at Maddie. Naloloka ako sa pang aasar nung dalawa samin ni Marci eh!

"Uy beh ano yan." Curious kong tanong kay Bea nung tinabihan ko sya. Parang ang busy kasi nya sa phone eh.

Nagulat sya sabay off ng phone nya ng mabilis.

"Nothing." Masungit nyang sagot.

Oh ano meron? Bakit parang sinusungitan na naman ako nito. Ano na namang ginawa ko 😞

"Dinner tayo after training beh." Umakbay ako sa kanya. "Libre ko."

"I can't. I already have plans later."

Ang sungit pa rin!

Minsan na nga lang ako mang libre oh ayaw pa. Dapat nga sya yung bumabawi kasi pinagtripan nila ako ni Deanna kagabi sa party ni Espejo! Tama ba namang sabihin na hinahanap daw ako ni Ate Ells tapos yun naman pala hindi. Binara bara tuloy ako ni Ate Ells. Bakit daw nya ako hahanapin eh hindi nga daw nya ako makita sa itim kong to. Bwisit 😒

"Plans? Sama ako!" Sige go lang Jho wag mawalan ng pag asa.

"Di pwede."

"Bakit? Dali na beh sama ako!" Sige pa Jho ipagsiksikan mo pa sarili mo 😂

"Ang kulit Jho." Bigla syang tumayo sabay sabing, "Why don't you make plans with Marci na lang." Tapos umalis sya.

Naiwan akong nakanganga.

Saan naman nang galing yun?

Gusto ko sana sya sundan kaso for sure didedmahin lang ako nyan lalo na't mukhang bad mood sya kaya triple ang pagkamasungit nyan kapag ganon.

Ano ba kasi meron. Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Okay naman kami nung umuwi kagabi ah.

Nakapout akong lumapit kay Gizelle.

"Gi, ano ba problema ni Bea?" Tanong ko sa kanya. Baka lang naman alam nya kasi close din naman sila ni Bea.

"Ewan? Bakit?" Pagtataka nya.

"Ang sungit kasi eh."

"Talaga? Baka meron lang." Sabi nya sabay tawa.

Napabuntong hininga na lang ako.

Maya maya ko na lang sya kukulitin ulit kapag medyo di na sya masungit. Baka kasi englishin ako bigla eh edi nosebleed na naman ako mahirap na. Bwelo muna ako.

"By the way Jho, ano meron sa inyo nung Marci Bacalla? Parang ang sweet nyo yata sa twitter." Siniko siko nya ako. "Di mo man lang shinare na may pumoporma na pala sayo. Hello roomie here!"

"Ang issue nyo kamo. Wala naman meron friends lang kami." Natatawa kong sabi.

Totoo naman eh. Tsaka panay tweet sakin kaya nirereplayan ko lang. Wala naman masama dun diba?

"Sabi mo eh." Pero parang nang aasar yung tono nya kaya napailing na lang ako.

After training ay pinalapit kami lahat ni Coach kasi may ididiscuss daw. Tumingin ako kay Bea. Until now hindi pa rin nya ako kinakausap tapos ang tahimik nya buong training kaya hindi ako makabwelo. Hindi ko tuloy alam kung sakin ba sya galit or sadyang badmood lang sya.

Bahala na!

Lumapit ako kay Bea at nagbackhug sa kanya. Akala ko tatanggalin nya yung kamay ko pero hindi naman sya umangal kaya yumakap lang ako habang nagsasalita si coach.

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon