Jhoana
Potspa
Saan nanggaling yung Smart? Eh Globe ako?! Kashungaan ano Jhoana? Magsisinungaling na lang palyado pa!
Tinapik tapik ko ng mahina ang noo ko nung nakatulog na si Bea habang nakayakap sa akin. Isang pikit lang niyan tulog agad yan eh.
Pero takte! Bakit ba Smart ang nasabi ko? Kaylan pa ako gumamit ng simcard na Smart?!
Pagtapos kong sapo sapuin ang noo ko ay tumulala ako sa kisame.
Naalala ko yung text.
Ayokong basahin ulit... pero shet. Parang may kusang buhay ang kamay ko at inabot yung phone na nasa ilalim ng unan ko. Nagbabakasakali na baka nagkamali lang ako ng pagkaintindi kanina sa text.
Tiningnan ko muna si Bea kung tulog na tulog na ba tsaka ko inunlock ang phone ko.
From: Mama
Jhoana, ano yung nababalitaan ko about sa inyo ni Bea?Parang unti unti na namang nanglamig ang katawan ko. Feeling ko umaakyat ang dugo ko papuntang ulo. Paulit ulit akong lumunok kasi parang nanuyo bigla ang lalamunan ko.
Kahit pa ulit ulitin kong basahin, isa lang talaga ang nilalatag ng text message ni mama.
Nagtatanong siya tungkol sa kung anong meron sa amin ni Bea.
Isang simpleng tanong sa isang napakahirap na sagot.
Halos mabitawan ko ang phone ko ng biglang gumalaw si Bea. Nagmamadali ko itong inoff at ibinalik sa ilalim ng unan ko.
Umayos siya ng higa at yakap sa akin. Mukhang naalimpungatan pero nakapikit pa rin.
"I love you Jho." mahina niyang sabi.
Tuwing sasabihin ni Bea na mahal niya ako parang may kung anong kumikiliti sa puso ko. Pero bakit iba ngayon? Oo may kiliti sa puso. Pero bakit may halong bigat at kaba?
Sinilip ko ang mukha niya. Nakapikit pa rin naman. Kakausapin ko sana siya pero mukhang nakatulog na ulit siya.
Napabuntong hininga ako.
Anong irereply ko kay mama?
Sasabihin ko na ba ang totoo?
Kung ano man po yung nabalitaan mo samin ni Bea ma, Opo. Totoo po yun.
Ihinilamos ko sa mukha ang palad ko sa sobrang frustration.
As if naman kaya ko talagang itext back yon kay mama? Hindi ko nga magawang masabi sa kanya ng harapan, text pa kaya?
Agh!
Ano na bang gagawin mo Jhoana Louisse?
Nung nagpaulan ba ang Diyos ng kaduwagan ako ang nasa pinaka unang pila at nasalo ko lahat?
Kaloka.
Pumikit ako ng madiin at pilit ikinalma ang sarili.
Meron pang bukas. For sure makakaisip na ako kung ano bang dapat sabihin or gawin bukas. Siguro naman diba?
Yumakap ako kay Bea na mukhang ang lalim lalim na ng tulog.
"I love you too beh." bulong ko sabay pikit kahit alam kong hindi ako papatulugin ng utak ko ngayong gabi.
Maaga akong nagising kinabukasan at ramdam na ramdam ko talaga ang pamimigat ng mga mata ko na kulang sa tulog. Hindi ko alam kung anong oras na ako dinapuan ng antok kagabi basta feeling ko nasa 2 hours lang yata ang tulog ko. Tapos eto, kulang na nga sa tulog ang aga pang nagising.
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanfictionIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.