Eighteen

5.4K 143 81
                                    

Jhoana

Hindi kita binitawan para lang makita kang ganto.

Paulit ulit na nag echo iyon sa utak ko na parang sirang plaka na katagalan ay parang unti unting nakakabingi sa tenga.

Parang may kung anong tumusok direkta sa puso ko na nagpawala sa akin sa tamang wisyo.

Hindi na yata ako makakapag isip ng maayos.

"H-ha?"

At sa lahat nga naman ng gusto kong sabihin ay tanging maikli at nauutal lang na Ha? ang lumabas ng kusa sa bibig ko ng walang pasabi.

Biglang napatingin sa ibang direksiyon si Bea, ngumiti ng tipid at umiling. "Never mind." at nagpatuloy na siya sa paghuhugas na parang walang sinabi.

Na parang walang impact sa akin yung sinabi niya. Pero halos guhuin yata ang buo kong sistema.

Ngunit kahit parang bahagyang nanigas ang katawan at parang may nakabara sa lalamunan ko, hindi ko alam kung paano ko nagawang magsalita muli.

"O-okay." tumatango kong sagot. Kailangan ko huminga. Shit! "A-ano... cr lang ako."

Bago pa siya makapagsalita, agad na akong naglakad ng diretso papuntang cr. Walang lingon akong pumasok sa loob at sinara ang pinto.

Kailangan ko umalis sa harap niya... Kailangan ko mahimasmasan. Feeling ko mababaliw ako kapag nanatili ako doon.

Nang mailock ang pinto ay hinabol ko ang hininga ko kahit hindi naman ako hinihingal. Tapos tumulala ako sa hanggang ngayon na hawak kong doorknob na hindi ko magawang bitawan.

Ilang beses ako kumurap.

Sinabi niya ba talaga yon sa harap ko?

Sunod sunod akong lumunok, pilit inalis ang kung ano man ang kanina pang nakabara sa lalamunan ko.

Ngunit sa paglunok ko, yung bara sa lalamunan na iyon ay unti unting naging luha na agad ko rin naman pinunasan bago pa tuluyang makatulo sa pisngi ko.

Bakit ba ako umiiyak. Kainis.

Ano ba'ng iniiyak ko.

Nagmamadali akong pumunta sa harap ng salamin at naghilamos.

Bakit ba kasi ako umiiyak.

Ano ba naman 'to. Ang emotional ko yata nitong mga nakaraang araw.

"Ano ba Jhoana Louisse ayos buhay!" bulong ko sarili habang hinihilamusan ang mukha ko.

Pero nanigas ako ng biglang makarinig ako ng marahang mga katok sa pinto na nakapagpatigil sakin.

"Jho?" Rinig kong sabi ni Bea mula sa labas ng cr.

Napatayo ako ng tuwid at pilit nagpakanormal.

"Oh?" sabi ko sa pinakacasual kong boses.

"I'm done with the dishes." sabi niya. Bahagya siyang huminto sa pagsasalita though alam kong parang may gusto pa siyang sabihin. "So... are you gonna be dropping your laundry? Gusto mo... samahan na kita?"

Bakit ka ganto, Beatriz.

Napapikit ako. "Ah, hindi na Bea. Kaya ko na yon mag isa."

"Are you sure?"

"Oo naman." nakapikit ko pa ring sabi. "Umuwi kana para makapagpahinga ka."

"Okay lang nam---"

"Ayos na ako." pagputol ko sa kanya. "Salamat sa lahat. Pwede kana talaga umuwi."

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon