Twenty

4.9K 164 71
                                    

Jhoana

"Ate, bumangon kana diyan. Anong oras na!"

Ramdam ko ang pagyugyog ni Jaja sa akin pero nagtalukbong lang ako ng kumot at hindi siya pinansin.

"Ate naman! Kahapon ka pa nakasalampak diyan sa higaan mo!" Pinilit niyang tanggalin yung kumot sa katawan ko pero nagmatigas ako. "Iniwan kitang ganto kahapon tapos pagbalik ko ganto ka pa rin. Ni hindi mo nga kinain yung dala ko kahapon. Pinapatay mo ba sarili mo? Sabihin mo lang dali ako na gagawa para mas mabilis."

"Umalis kana Ja. Gusto ko mapag isa."

Nilakasan niya yung paghablot sa kumot kaya natanggal yon sa katawan ko. Tumambad sakin ang liwanag ng araw galing sa bintana at bahagya akong nanibago dahil ngayon lang yan nabuksan magmula ng magkulong ako dito.

"Maligo kana nga ate! Diba may game ang Sta. Lucia mamaya? Ano pa'ng hinihiga mo diyan?"

Napabangon ako at pilit inagaw pabalik yung kumot pero nilayo niya sakin.

"Janel naman eh! Pabayaan mo na muna ako."

"Pabayaan? Eh may game ka pa mamaya!"

Imbis na sagutin siya ay kinuha ko na lang yung unan ko at yun yung pinantakip ko sa ulo ko tsaka ako humiga ulit.

"Ate ano ba! Magkakasakit ka lang diyan sa ginagawa mo eh!"

"Okay lang." walang gana ko namang sagot.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Hindi naman makakatulong yang ginagawa mo para maayos ang lahat ate. You're just making it worse."

Natahimik ako sa sinabi niya.

Sa totoo lang, alam ko naman kung gaano ka-tanga 'tong ginagawa ko. Simula kahapon ni hindi na talaga ako bumangon dito sa kama. Hindi rin ako kumain. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak, tumulala at mag isip magdamag. Halos hindi rin ako nakakatulog.

Nakakagulat nga at hindi pa bumibigay ang katawan ko.

"Ja..." pagsasalita ko after ng katahimikan.

"Bakit?"

Napakagat muna ako ng madiin sa labi bago magsalita ulit. "May balita ka ba... kay Bea?"

"Wala ate eh." bakas sa boses niya ang pag aalala.

"Kay Nico?"

"Wala rin."

Nakakapagtaka. Knowing Nico, hindi dapat yon nananahimik. But I guess nasaktan ko rin talaga siya ng sobra.

Of course I badly wanna apologize. Pero siguro mas makakabuti munang wag kami magkita sa ngayon.

Tinanggal ko yung unan sa ulo ko at nakipagtitigan sa kisame.

"Kinausap ako ni Millicent nung isang araw."

Napatingin si Jaja sa akin. Gulat na gulat. "Talaga? Anong sabi?"

Napalunok ako at tsaka humiga ng maayos at pumikit na parang balak ko matulog.

"Wag ko na raw..." napatigil ako ng maramdaman yung namumuong luha sa mata ko na agad kong pinigilan. "Wag ko na raw guluhin si Bea."

Hindi nakasagot si Jaja at natahimik ng ilang segundo.

"Sinabi niya yon?" hindi niya makapaniwalang sabi.

Hindi na ako nagsalita pa ulit.

Ramdam ko yung marahan niyang pag upo sa tabi ko.

"So... anong plano mo?" maingat niyang sabi.

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon