Jhoana
Hindi ko mapigilang hindi mapansin ang bawat simpleng galaw ni Bea. Kung paano ito sumulyap sa rearview mirror at side mirror ng kotse nya. Kung paano magtap ang mga daliri nito sa manobela na sumasabay sa kumpas ng kanta na nanggagaling sa stereo ng kotse. Kung paano nito suklayin ang buhok sa gitna. At kung paano ipatong ni Bea ang kanyang kaliwang braso sa bintana paminsan minsan habang seryoso sa pagdadrive.
Ilang beses ko na nga bang nakikita ang mga bagay na ito?
Madaming beses na.
Pero bakit ganon? Nagdadrive lang naman si Bea. Pero bakit hindi ko maalis ang mga tingin ko sa kanya? Bakit parang... mas naging attractive yung bawat galaw nya?
"Wala na. Natutunaw na ako."
Doon lang ako napaiwas ng tingin ng sabihin yon ni Bea habang nakasmile pero nasa daan parin ang attention nya.
"I know you love me. Pero can you please stare at me na lang kapag done na ako magdrive? Nakakawala kasi ng attention eh." Tumingin sya sakin ng mabilis habang nakangiti parin at nagpapacute.
Naparoll ako ng eyes. Pero sa totoo lang, kinilig buong sistema ko sa sinabi nya.
"Lumalabas yung pagkamalandi mo Beatriz." Nangingiti kong sabi habang nakatingin sa bintana. Kita ko sa reflection nya mula sa bintana na natawa sya.
Mga ilang minuto, nagulat na lang ako ng kunin nya ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa lap at hinawakan nya yon.
Ang clingy talaga.
Akala ko doon magtatapos yon. Pero tumalon yata buong sistema ko ng marahan nyang halikan ng paulit ulit ang likod ng kamay ko na hawak nya. Tapos hindi nya yon inalis, nanatili lang nakadikit sa labi nya yung kamay ko.
Sino ang kaunti na lang mangingisay na sa kilig? Malay ko. Hindi ako aamin.
Hindi ako nagsalita at mas tinuon ko na lang ang attention sa panonood sa bawat establishments na nadadaanan namin. Siguro nga dapat ko ng sanayin ang sarili ko sa mga gantong small gestures ni Bea ngayong alam na namin parehas ang feelings namin para sa isa't isa. Halos 24 hours pa lang ang nakakalipas ng umamin ako sa kanya pero sobra sobra na kung paano nya ipakita at iparamdam sakin yung pagmamahal nya. 1 day pa lang yan ano pa kaya sa mga susunod na araw?
Tatagan mo ang sarili mo Maraguinot. Baka mapaaga ang kamatayan mo dahil sa sobrang pagkakilig.
Cause of death: too much kilig 😨
Hindi naman si Bea ang una kong naging jowa. Kaya dapat hindi na ako manibago sa mga ganto. Pero bakit parang first time lahat sa feels? Para akong nasa alapaap hanggang ngayon. Iba ba talaga ang epekto kapag babae?
"Do you want to eat something? Pwede tayong dumaan saglit sa drive thru if you want." Sabi ni Bea.
Kumunot ang noo ko. "Kakagaling lang natin sa buffet, beh. Balak mo ba akong patabain?"
Natawa sya. "Uhm. Slight?"
"Grabe sya!" Natatawa kong binawi yung kamay ko pero hinawakan nya ng mahigpit.
"Nah." Tumigil sya sa pagtawa at tumingin sakin saglit. "I'm just trying to make our time together much longer."
"Ang clingy."
Ngumiti lang sya ng labas ang ngipin. Tapos lumiko sya sa ibang daan palayo sa Dorm.
"Seryoso ka talaga." Sabi ko.
"Seryosong seryoso."
"Saan naman tayo pupunta?"
Nagkibit balikat sya. "Kahit saan."
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanficIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.