Ten

5.1K 109 26
                                    

Jhoana

"Boring." pabulong na sabi ni Janel habang nakapalumbabang nanonood sa akin.

Tinitigan ko siya ng masama. "Ja, hindi ko na mabilang kung ilang beses mo ng sinabi yan ngayong umaga."

Nagkibit balikat lang siya at bigla niyang isinawsaw ang daliri niya sa cookie dough na nasa harapan ko. Agad ko naman nahampas ang kamay niya.

"Janel naman!" suway ko.

Tinawanan niya lang ako sabay dila ng dough na nasa daliri niya. "Kaylan ka pa ba kasi nahilig magbake ate? Hindi bagay sayo."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Thanks Ja ha. Ang supportive." Tapos tumalikod ako para ilagay yung first batch ng cookie dough sa loob ng oven.

"Eh ano ba kasing meron? May okasyon ba ate? First time mo yatang ipagbebake si kuya Nico. Anniversary nyo ba?"

"Hindi." mabilis kong sagot.

"May kasalanan ka?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko tsaka biglang tinuon ang attention sa pagliligpit ng mga kalat. "Kasalanan ka diyan."

Wala naman akong kasalanan...

"Di nga ate?" pasulyap sulyap niyang sabi na halatang nang aasar. "May kasalanan ka 'no?"

I glared at her. "Alam mo, kung mang aasar ka lang pwede ka ng makaalis." sabi ko sabay hablot nung supot ng choco chips na inumpisahan niyang lantakan. "Bakit ka ba kasi nang gugulo dito ng gantong kaaga? Wala ba kayong training?"

"Wala." ninakaw niya ulit yung choco chips. "Boring sa dorm eh."

Naparoll na lang ako ng mata. Boring daw sa dorm pero bored na bored din naman siya dito. Abnormal.

"Wag mo 'tong gagalawin." itinuro ko yung natirang dough na nasa container na kanina pa niya pinagdidiskitahan tikman. "Matatadyakan talaga kita kapag yan nabawasan." banta ko bago ako nagtungo sa sink para hugasan yung mga ginamit ko.

"Damot! Para namang kayang ubusin ni kuya Nico lahat ng ibebake mo! Baka magkadiabetes yon!"

Hindi ko na pinansin ang mga pang aasar ni Jaja at binilisan ko na lang maghugas. Anong oras na rin kasi. Kailangan ko pa mag ayos dahil maya maya lang darating na si Nico. Gusto ko siyang isurprise nitong mga cookies bago kami pumunta sa pa-liga ni Ish sa Imus mamayang tanghali.

Alam ko naman na napaka unusual talaga na gigising ako ng sobrang aga para magbake ng cookies. Yung thought pa lang na magbebake ang isang Jhoana Maraguinot sobrang hirap na talaga paniwalaan. Wala naman kasi talaga akong hilig at talent sa ganong bagay. Pero kasi naisip ko lang na ipagbake si Nico. Pambawi sa mga araw na naging mailap ako sa kanya.

Aminado naman ako na naging mailap at cold talaga ako. Hindi ko lang talaga masyadong napansin yon dahil na rin siguro sa mga bagay na gumugulo sa isipan ko nitong mga nakaraang araw. Ang unfair ko lang masyado dahil nadadamay siya gayong wala naman siyang ginagawang masama.

Kaya ngayon, isa lang ang gusto ko....

Kalimutan yung mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Dahil hindi pwede. Bawal. Kahit ipilit walang patutunguhan.

Nang matapos ma-bake yung unang batch ng cookies ay agad ko iyong nilabas sa loob ng oven. Medyo kinakabahan pa ako kasi first time ko talaga at hindi ako sure kung tama ba yung mga pinag gagawa ko.

Kinakabahan at sabik kong tinitigan si Jaja ng tikman niya ang finish product.

Nguya lang siya ng nguya at hindi nagsalita kaya mas lalo akong kinabahan. "Anong lasa? Palpak ba?"

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon