Jhoana
"Yeah I said that. But Jho, I never said that I want you out of my life."
Para akong napipi ng sabihin niya yon. Hindi ako nakapagsalita at tanging pagtitig lang sa kanya ang tangi kong nagawa.
"Stop pushing me away again." Itinabi niya sa gilid yung cup ng halo-halo niya at medyo inilapit ang kanya mukha sa akin. "No matter what happen, magkaibigan parin tayo Jho."
Nang sabihin niya yon, tuluyan ng tumulo ang luha ko. Yumuko ako at pinunasan yon tsaka umiling ng sunod sunod.
"Madali lang para sayo to eh kasi nakamove on kana. May iba kana." Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. I tried to wipe off yung mga panibagong luha pero naging sunod sunod ang pagtulo ng mga 'to. "Pero Bea... paano naman ako?"
Yumuko siya at hindi nakapagsalita.
"Ang hirap eh. Kahit gustuhin ko man na maging okay ang lahat... Pero paano ko yon gagawin kung alam kong hindi naman ako okay?"
"You can heal naman without pushing me away diba?"
"Paano? Kung sa tuwing nakikita kita nagagalit ako sa sarili ko kasi ang tanga tanga ko. Sa tuwing nakikita kita nasasaktan ako eh."
Pumikit siya ng madiin at hinimas ang noo niya. Parang hindi na alam ang sasabihin at gagawin.
Nang tumingin ulit siya sakin, I can now finally see it again. Her eyes, tama siya. It's all in the eyes.
In her eyes, I can see everything.
"But please don't shut me off completely. Yun lang naman yung hinihiling ko Jho."
Natapik ko yung mesa ng mahina. "Pero kaylangan Bea!"
"Pero ayoko!" frustrated niyang sabi. Napahawak siya sa ulo niya. "Jho bestfriend kita eh. You'll always be part of my life kaya please dito ka lang. Wag mo akong itulak palayo sayo."
Ibinaon ko sa palad ang mukha ko at umikyak ng umiyak. Tapos umiling ako ng sunod sunod at biglang tumayo. Naglakad ako palabas ng restaurant.
Hindi ko na siya maintindihan.
Masyadong mahirap yung gusto niyang mangyari. Hindi ko yon kaya.
I can't stay beside her na parang katulad pa rin kami ng dati knowing na may mahal na siyang iba tapos eto ako stuck pa rin sa nararamdaman ko sa kanya.
"Jho! Wait!"
Napatigil ako ng maramdaman ko yung paghawak niya sa braso ko. Jusko naman kailan ba to matatapos.
"Why are you always like that? Bakit lagi mo akong tinatakbuhan?! Jhoana naman nag uusap pa tayo!"
Marahas kong tinabig yung kamay niya sa braso ko.
"Alam mo kung bakit?" Tinitigan ko siya ng diretso. "Kasi kapag hindi ko 'to ginawa baka makita ko na lang ang sarili ko na nakaluhod sa harap mo at nagmamakaawa na sana ako na lang ulit!" Napaupo ako sa ibaba at ibinaon muli sa palad ang mukha ko. "Alam ko naman na dapat hindi na ganto. Dapat okay na diba? Paulit ulit na lang eh. Dapat tapos na! Lumalayo na nga ako oh. Pero nandito ka naman nakikiusap na wag akong lumayo. Hindi ko na alam gagawin ko Beatriz! Tama na."
Wala na akong pakialam kung may mga taong nakikita akong ganto. Hindi ko na talaga kaya eh. Feeling ko kapag pinigilan ko ang mga luha ko baka kung anong mangyari.
Gusto kong tumakbo palayo pero nawalan na ako ng lakas pa para tumayo. Gusto ko na lang iiyak lahat ng isang bagsakan tapos move on. Tapusin na ang lahat. Ang tagal na rin eh. Matagal na dapat kaso hindi mawala wala na para paulit ulit akong minumulto ng nakaraan at ayaw ako patahimikin non.
BINABASA MO ANG
If Our Love Is Wrong
FanfictionIf it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achieved: #8 in Fanfiction category. #1 in Wattpride, LGBT+, UAAP and Jhobea category.