Thirty Seven

4.8K 110 15
                                    

Beatriz

Isinugod ko ang sarili ko sa hospital after I left the dorm. Sobrang namamaga na kasi yung kamay ko at halos hindi ko na magalaw.

Dapat kakausapin ko pa si Jho eh, baka sakaling maayos pa namin. Pero nagdalawang isip ako. Baka kaylangan lang nya ng kaunting time to think. Tsaka I can't contain the pain of my hand anymore. Kung noong una ay hindi ko ramdam yung sakit, pero unti unti ko na siyang nararamdaman nung naglalakad ako papunta sa room nila Jho.

Kaya ang nangyari, iniwan ko na lang sa harap ng pinto yung bouquet ng sunflowers at yung pagkain. Naiwan niya kasi sa floor.

Wala ako sa sarili when I got to the hospital. Hindi ko rin alam kung paano ako nakapagdrive ng maayos with only using my left hand. Puro si Jho kasi yung laman ng utak ko.

I was crying pa nga pagdating ko sa hospital. Akala ng mga nurses umiiyak ako because of what happened to my hand. But no. I was crying because of the pain in my heart.

Naging mabilis lang din naman yung pagcheck sa hand ko. Sabi ng doctor I was lucky I didn't broke any finger. Pero I have to rest my hand daw until it is fully healed.

I'm so dead kapag nalaman 'to nila mom and dad pati na rin nila coach.

Kaya instead of calling mom to pick me up, I called Jia instead. She came immediately with Kim.

They were so worried. Pero nasermonan nila ako when I told them na sinuntok ko yung wall kaya ako nagkaganto. Kaya wala na rin akong nagawa kundi ikwento sa kanilang dalawa ang nangyari sa amin ni Jho.

They listened. They both comforted me. Kim even bought me icecream in an attempt to make me feel better. Pero sa ngayon, walang pagkain or bagay ang makakapag okay sakin.

I'm too shattered.

If only I knew na ganto pala kasakit magmahal, edi sana pinigilan ko na lang. Sana hindi ko na lang pinansin yung nararamdaman ko.

Umpisa pa lang I saw red flags and off limit sign everywhere. But I still continued. And now here I am hurting.

But is it my fault na umasa akong kaya akong ipaglaban ni Jho? Is it my fault na umasang baka pwede? Kasi alam ko naman sa sarili kong kaya ko kahit anong mangyari. Kaya ko lumaban. Pero bakit hindi niya magawa yon.

"Ju, can we stop by sa dorm." wala sa sarili kong sabi while looking at the car window. "I want to talk to her."

"Beatriz..." nagsalubong ang mata namin sa rearview mirror.

"Please Jia. Mabilis lang."

Nagkatinginan sila ni Kim na nakaupo sa shotgun.

Nilingon ako ni Kim dito sa backseat.

"Magpahinga ka muna Bei." she said.

"But---"

"Give Jho some time, Bea. Tsaka na kayo mag usap ulit kapag parehas na kayong nakapagpahinga. For now, ihahatid ka muna namin sa house niyo. Take a rest." Jia said.

Bebwelta pa sana ako kasi gustong gusto ko talaga kausapin si Jho pero wala naman akong magawa kasi si Jia yung nagdadrive at ayaw nila akong pagbigyan. I feel so helpless.

Pagdating sa bahay, halos mahimatay si mom when she saw the bandage on my right hand.

"Isabel what happened to your hand!" salubong niya pagkapasok na pagkapasok ko.

"I-It's nothing mom. Nainjured lang po sa training." I lied.

"I told you to always be careful!" inusisa niya ang hand ko. "Is it painful? What do you fe---"

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon