Twenty Three

6.3K 110 11
                                    

Jhoana

"Hi Bea. Musta? Eto na nga pala yung jacket mo. Salamat ha?" Frustrated akong napakamot sa ulo ko. "Ano ba yan! Parang ang pangit naman non!"

I cleared my throat at huminga ako ng malalim.

"Hi beh! Isasauli ko na yung jacket mo. Salamat beh ha. Miss na nga pala kita."

Napailing ako.

Nakakastress naman! Isasauli ko lang naman etong jacket nya pero bakit ang hirap. Parang feeling ko ang pangit pakinggan lahat ng pinapractice ko eh 😯

"Ang awkward naman masyado!" Nagpalumbaba ako sa lamesa. "Paano ko ba kasi sya iaapproach ang hirap naman jusko po."

Tapos hindi pa ako pinatulog nung sinabi sa akin ni Deanna nung isang araw.

"Or simple lang, natatakot ka sa possibility na pwede pala magkaroon ng kayo."

Masyado ko yatang inoverthink yung bagay na yon at parang feeling ko mababaliw na ako.

"Uy Jho. Anyare sayo? Bakit parang mukha kang natambakan ng score sa game dyan?" Natatawang sabi ni Ate Ly habang nilalapag sa table yung pinagmamalaki nyang new flavor ng pancake nya dito sa Ally's All Day.

Imbis na sumagot ay sumipsip na lang ako sa strawberry cooler ko pagtapos ay nilaro laro ko yung straw.

"Ate Ly?" Pagsasalita ko.

Napatingin sya sakin at napahinto sa pag slice dun sa pancake.

"Hmm?"

"Ano uhm... wala pala never mind."

Tinitigan nya ako ng pagtataka pero mabilis lang.

"Dali Jho tikman mo na to then sabihin mo sakin kung ok ba sya." Jolly nyang sabi.

Tinitigan ko yung pancake. Mukha naman masarap at appetizing kaso wala akong gana kumain 😔

After ko makipagtitigan sa pancake ay napabuntong hininga ako.

"Ate Ly?"

"Ano ba yon Jho?" Nagsalubong yung kilay nya. "Ang weird mo."

"Ano kasi... uhm sa tingin mo possible ba na mainlove ka sa isang tao na... hindi mo namamalayan?"

Natigilan si Ate Ly. "Seryoso ba yan?"

"Ate Ly naman!"

"Sorry. Pero seryoso talaga? Yan talaga yung kanina mo pa gusto itanong?" Parang natatawa nyang sabi.

Nahiya tuloy ako bigla.

"Wag na nga. Never mind. Joke lang yun." Sabi ko sabay inom.

"Eh sino ba kasi yan? Si Marci ba?"

Muntik ako mabulunan.

"Uy hindi no." Naiiling kong sagot.

"Eh sino?"

"W-wala Ate Ly. Natanong ko lang. N-nabasa ko lang somewhere ganern."

"Ah ok."

Pero halata sa tono nya na hindi sya naniniwala.

"Well to answer your question, I think oo possible naman yon."

Ilang araw ko na din kasing iniisip yan simula ng magkausap kami ni Deanna. Oo sige ako na ang masyadong nag ooverthink pero kasi bigla na lang pumasok sa isip ko yan eh. Tapos hindi na nawala sa utak ko.

"Kasi some people can be confused about love because of how other people define love. Like, they say it's I love you so much I will die for you! I will give you the whole world! type of thing. So when they don't feel that you feel na baka hindi love yon kaya you don't figure it out."

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon