Page 3

41 5 1
                                    

"THIS IS THE greatest of them all Cities..." The Guardian made a wide smile to the scholars of the Academia, while showing the grandeur of the City of Spice, the farthest island in the Eastern Seaboard. Now, the World System assigns names to individual territory on the world according to its riches, science, arts, technologies and overall potential as a country. These names are Wall, Gate, Province, and City, with Wall having the least of all factors, and City the greatest.

"'Tol! Malapit mo nang matapos 'yung sulat?"

However, it is told that the City of Spice has low level of science, arts, and technologies due to its mundane superstitious beliefs, and its potential to stand on its own as a sovereign is almost nigh, for its residents have yet to be united. However, no country in the world has ever been - nor will ever be, as it is believed - as rich as the City of Spice. For when other Cities hide their territory in thick walls and defenses, the City of Spice is a naked beauty of nature that everyone in the world has mutually, albeit silently, respect as a City of everyone, for everyone. It may have no walls, but the greatest protection is given to it: respect.

"'Tol! Para namang wala 'kong kausap!"

And no one dares to smear dirt on that respect.

"'Tol!" Sumigaw na si Kael.

"Nanggugulo ka na naman," tahimik kong sabi.

Phineleo, a scholar of small stature, covered in white scholar robe, after witnessing the swinging blade-like leaves of Golden Trees that serve as the outermost "wall" of the City, its fiery fragrant pores skimming the surface of the Riverbed (a river that serves as entrance to the City) that will irritate any guest without proper protection, agreed to what the Guardian said earlier. Indeed, the greatest, he thought, though he had not known other Cities beside the Central City where the Academia is located, where he lived his entire life.

"Para ka namang..."

There is something in the air of the City of Spice...perhaps the air the Golden Trees have produced. Perhaps the purity and calm clearness of the Riverbed. Perhaps it is the Tree of World, the central tree of the island which towers higher than mountains and spans wider than skies. Perhaps.

But one thing is for sure: that something invites him to go deeper in its beauty, its riches. For nothing will be nearer in majesty of the mythical Paradise than the City of Spice.

"Mukhang ang ganda naman ng City of Spice..." Mula sa likod ko, isang boses ng babae ang nagsalita, na ikinagulat ko. Si Nora, ang magaling na kapatid ni Kael, hindi ko naramdamang nasa kwarto ko at binabasa na ang sinusulat ko. Agad kong sinara 'yung laptop.

"Anak naman ng ano, Nora! Sabing 'wag babasahin 'tong kwento ko e!" Pinagmataasan ko siya ng boses para masindak, pero mas matibay ang sikmura niya kaysa sa kanyang kuya.

Inismiran niya ako. "Ang arte mo naman, binasa lang e." Mula sa pagkakayuko ay nagpunta at humiga siya sa kama ko. Doon ko napansing wala na sa kwarto si Kael. Mabuti naman. Kabawasan sa makukulit. Kung kuya niya ay pinipilit akong magsulat, siya naman e pinipilit akong ipabasa sa kanya ang mga sinusulat ko. Ang sakit sa ulo!

"Tsk!" Nakakairita. Nawala na ako sa momentum ng pagsusulat. Kapag hapon pasok ng magkapatid (o maski ng isa lang sa kanila), kawawa na ako. Ah, isa pang sumpa sa mga writer: a fragile concentration. All things become figments of imagination. Ang dingding, ang kisame, ang lamesa, ang upuan, ang laptop, ang tunog ng pagtipa-lahat ng bagay sa paligid ay pumapasok sa sinusulat. Ang kakaibang focus na 'yun, na halos isa nang trance, kapag nawasak, wala na! As in, wala na! Kulang na kulang ang isang paligo para maibalik ang momentum na madalas na nga e wala. Pero, nakadiskubre ako ng epektibong paraan para maibalik ang focus na 'yun nang mas mabilis: magsulat ng iba. Naisip ko ang lintik na love letter ni Kael na sa akin niya ipinapasulat.

Iniunat ko mga binti ko at ipinahinga 'yung likod ng ulo ko sa mga palad. "Nasaan kuya mo?" tanong ko kay Nora habang nakatingala sa kisame.

"Wala, umalis, tulog." Kahit ganoon ang sagot niya, narinig ko ang pagbangon niya at nakita ko ang paglabas niya sa kwarto, mukhang tatawagin ang kuya niya.

I minimize the current story I'm writing, "The Plague in the City of Spice (tentative title)," at hinanap ang naka-pending na love letter na ilang araw ko nang pilit tinatapos. Na ikinagagalit ni Kael, dahil ilang araw na rin mula nang sulatan siya ni Wendy ng "Kael? :)" ay wala pa rin siyang response. Dapat daw ay may sulat muna siyang ibigay bago niya makausap nang personal ang dalaga. At ang tema ng sulat ngayon ay ang kagustuhan niyang makilala si Wendy.

I click the document where the love letter is.

Wendy,

Nabigla ako. Hindi ko akalain na mababasa mo yung nauna kong sulat. Natanga talaga ako kasi gago lang 'no? Ang tanga-tanga ko naman at nilagay ko lang sa lamesa yung letter ko. Wala e, naduwag ako. Dapat malaman mo yun ngayon, na sooobrang duwag ko. Hindi kita maipagtatanggol kung may mag-abang sa'tin. Wala akong magagawa kung may humoldap sa'tin. Sorry, dapat hindi ka na magpakilala sa'kin.

Pero gusto kitang makilala.

-Kael

PS: It's more fun in the Philippines.

Babaguhin ko pa ba ito? Parang ayaw ko nang baguhin. Ito kasi yung totoo. Pero siguradong LALO lang akong iistorbohin ni Kael LALO kapag ito nabasa niyang isinulat ko. Nakulong na ba ako sa isang contract of adhesion? Dapat effective din ang contra proferentem. Hindi ko na alam sinasabi ko. Salamat sa mabungang punongkahoy ng kaalaman na nagngangalang Wikipedia.

Narinig ko ang pagpasok ni Kael sa kwarto. Nagtanong siya, in an impatient manner, "Tapos na?"

"Oo."

"Talaga?"

"See for yourself."

Pinabasa ko sa kanya ang sinulat ko. Matapos ang ilang saglit, tinitigan niya ako nang masama. "Tapos na 'yan?"

"Oo nga," pang-aasar ko. Minura niya lang ako. "Ano, maarte pa? Ikaw na nga 'tong ginawan ng pabor!"

"Sa tingin mo ba magpapakilala sa'kin si Wendy sa ganyang sulat?!" Siniseryoso na niya ang biro ko, at lumalabas na sa ilong niya ang inis. Nagbuntong-hininga lang ako at binalikan ang love letter niya. Matapos ang ilang edit, ilang pagkakamot ng manipis na balbas, ilang beses na pagpiga sa utak ko ng mga salitang angkop na sabihin ng isang umiibig (kahit hindi ako iyon) sa kanyang iniirog (na hindi naman si Wendy), natapos din ang sulat. Pinasadahan ito ni Kael at tumango-tango.

"Okay na?" tanong ko.

"Okay na 'to, 'Tol. Maraming salamat." Sinaksak niya ang dala niyang flashdrive sa laptop at kinopya ang document. Habang kinikopya niya, bumulong siya, "Mas maayos 'to."

Pero mas gusto ko yung unang version, naisip ko. Na minabuti ko na lang na hindi isalita. I maximize the document of my current story, but all I can think of is that damn love letter.

~*~

Wendy,

Hi ulit. Hindi ko inaasahang nabasa mo pa yung nauna kong sulat. Kinabahan kasi talaga ako na baka maistorbo pa kita sa trabaho mo kung ibibigay ko sayo yun nang personal. Kaso, sa pagmamadali ko ang naisip ko na lang e ilagay yun sa lamesa. Baka kako ikaw ang mag-ayos at mababasa mo yun. Buti at hindi napagkamalang basura yun at naitapon, kundi iisipin kong nairita ka sakin kaya wala kang response. Buti na lang.

May smiley yung una mong sulat sakin, at naisip ko, "Napangiti kaya kita sa sulat ko?" Kaya eto, sumusulat ulit ako sayo, kahit ilang araw na ang lumipas. At sana, mapangiti ulit kita dito. Hamo, ito na ang huli kong sulat sayo, at lalakasan ko na ang loob ko para personal kang makausap, kung ayos lang sayo.

-Kael

PS: Kung mababasa mo ito nang hindi ko inaabotnang personal, sorry.

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon