Page 31

14 1 0
                                    

BUKOD SA SCI-FI, sinubukan ko rin 'yung sarili ko sa fantasy. High fantasy ang una kong sinulat, parang 'yung City of Spice (na ilang linggo ko na rin yatang hindi nagagalaw (kasi puro Days of Ghost 'yung naisusulat ko)). Hindi ko natapos 'yun, dahil masyadong malawak 'yung mundong ginagalawan ng mga characters.

Isa sa mga sumpa akin: World-building. Sinubukan kong gumawa ng coherent at comprehensive na high-fantasy world, pero nang mabasa kong sixteen years isinulat 'yung Lord of the Rings (na napanood ko lang bilang pelikula (kasi nga hindi naman ako palabasa)), na sinasabing "the most coherent and least contradicting" na high fantasy, napanghinaan ako ng loob. I mean, sixteen years para makapagsulat ng high fantasy na gusto kong isulat? I don't have that much time! Pero lagi pa rin akong bumabalik sa pag-try na bumuo ng ibang mapa, na paulit-ulit ko lang ding hindi natatapos. Paulit-ulit, kasi gusto ko 'yung ideya na bumubuo ako ng isang mundo. Pero sumpa, kasi hindi ko rin matapos-tapos. Ilang planeta na ba ang tumigil sa pag-ikot dahil sa akin? Marami-rami na rin siguro.

Ngayon, hindi naman nalalayo sa ibang aspeto ng buhay 'yung feeling na parehas mong gusto at ayaw 'yung nangyayari sa iyo. Tulad ng nangyayari sa akin. Dinala ako sa clinic ng Doña. Hindi siya hospital room, pero mas maayos pa sa mga pampublikong ospital 'yung itsura noon. Or, at least, kumpara sa pampublikong ospital kung saan huling beses isinugod si Mama.

Ayaw ko sa ospital, dahil na rin siguro sa masamang alaala ko doon. At dahil mukhang pang-ospital ang clinic ng Doña, hindi ako masyadong naging komportable. Pero masaya ako kahit papaano. Si Wendy kasi 'yung nag-aalaga sa akin.

Hindi ako masyadong makagalaw dahil sa sakit ng katawan ko kaya nakakainis, pero gusto ko kasi 'yung ginagawang pagpunas ni Wendy sa mga dumi sa katawan ko, especially sa mukha. Kaya somehow, gusto ko na sa clinic.

Pero nag-aalala ang mukha niya. Ayaw ko na ulit sa clinic. At nakokonsensya ako kasi nakakaramdam ako ng kakaiba kay Nora habang tinitignan ko siyang nagpapakahirap para sa akin. Doble konsensya. "Wala ka bang pasok?" tanong ko sa kanya, para man lang ibaon ang katahimikang sumisigaw ng kasalanang humahaging na sa daungan.

"Aalagaan muna kita," aniya. 'Yun 'yung cue na sasabihin ko dapat, "So, pwede na kitang ligawan?" dahil sa sinabi niyang ligawan ko siya kapag handa na siyang alagaan ako. Kaso naipit 'yung salita sa lalamunan ko, kasi hindi maganda 'yung mood para mag-joke. Pero 'di ba, humor lightens heavy moods? So, okay lang ba mag-joke? Sige, sige, sasabihin ko na. Wait, sobrang tagal na ba ng lumipas para mag-joke?

"Ah—!" Napangiwi ako nang napadiin 'yung pagdampi ni Wendy ng bulak na may gamot sa sugat ko sa labi. Tumingin lang siya sa akin, at mahinahon na ang ginawang paglalagay ng gamot. Hindi siya nag-sorry o kung anuman. Galit kaya siya? Tinitigan ko 'yung mata niya, at hindi ko alam kung anong emosyon 'yung nakikita ko. And it's definitely not joy. Pero kung anuman 'yun, bago 'yun sa paningin ko, at dinadagdagan lang n'on 'yung kagandahang hindi ko agad nakita sa kanya.

Appreciating her, napahinga ako nang malalim. At kumirot 'yung tagiliran ko at napahawak ako doon. Napatingin si Wendy sa hinawakan ko, at binalot ng pag-aalala 'yung mukha niya. "Okay ka lang?" tanong niya.

Parehas kong gusto at ayaw na makita siyang ganoon. Sinabi ko na lang 'yung totoo, "Okay lang, medyo sumasakit lang."

Tinapos na niya ang paglalagay ng gamot sa labi ko at umupo sa upuan sa may tabi ng higaan. "Ano bang nangyari?" tanong niya. Bigla akong kinabahan. Nangyari saan? Sa parang kakaibang pagtibok ng puso ko pagdating kay Nora? Sa pagkakataong kasama ko siya ngayon pero pumapasok pa rin si Nora sa isip ko? "Ba't ka binugbog?" Ahh. Okay. Wew.

"Malay ko ba sa mga 'yun," sagot ko, "bigla na lang akong sinugod."

"May kinalaman ba si Nora?"

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon