Page 11

26 0 0
                                    

ISANG SUMPA PA sa mga manunulat: Existentialism, o 'yung kaisipang nag-iisa ka sa sarili mong utak (correct me if I'm wrong). Pero hindi lang ako ang ganyan—actually lahat tayo. Wala tayong sarili, sapat, at mapagkakatiwalaang ebidensiya na totoo ang isa't isa. Hindi ko kayang patunayan na tao ka, sa parehong paraang hindi ko mapapatunayang tao ako. There's just no way. Lahat ng nasa isip natin...well, literally nasa isip lang natin. But, I think; therefore, I am...right?

Madalas, 'yang pag-iisang 'yan, albeit malungkot, e magandang tool, espasyo, at inspiration sa pagsusulat. Kasi nasa sitwasyon kang alam mong ang alam lang ng tao ay ang kung ano ang pumapasok sa isip nila. Na pumapasok rin naman sa isip mo. Kung tutuusin, hindi mahirap intindihin ang bawat isa. Mas pinipili lang talaga nating magkanya-kanya.

Pero may mga sitwasyon sa buhay na mapapatanong ka kung totoo bang mag-isa ka lang talaga, unironically. Kasi minsan, hindi mapigilang kailanganin mong makipag-interact sa iba. Kailangang utuin mo sarili mo na may ibang totoong tao sa mundo bukod sa iyo, at kailangan mo silang tanggapin.

Minsan, kailangan mo rin silang alagaan.

Dahil sa pagkaka-food poison, hindi muna pinapasok si Nora ng Papa niya. Dahil doon wala ako sa sarili kong espasyo. Inutusan rin ako ni Tito na alagaan muna ang dalaga. At dahil doon hindi ko magawa ang gusto ko. Nasa sala kami at nanonood ng 2017 movie adaptation ng "IT", 27 years after it's first adaptation. At patawarin mo ako. May kailangan akong aminin...hindi ko alam ang kwento ng IT, o kahit anong kwentong gawa ni Stephen King. At kahit sinong "sikat" na foreign writer (sa local writers naman, mga gawa lang ni Bob Ong nabasa ko (at paborito ko ang "Si")). Hinahangaan ko sila, pero hindi ko sila hilig basahin. Nakakita ka na ba ng writer na hindi mahilig magbasa? Well, I'm here.

E ng lalaking hindi mahilig sa horror, nakakita ka na rin ba? Well, malamang. But still, I'm here. Hindi ko trip ang horror. Parang wala nang epekto sa akin. Hindi ko nararamdaman 'yung rush na nararamdaman ng iba.

Pero dati naman e hindi ganoon. Nagmukhang ewan lang kasi ako kaya nag-search ako ng tungkol sa essence (o importance?) ng horror sa buhay ng tao. Sabi sa nabasa ko, mahalaga ang horror sa entertainment industry lalo na sa panahong masyado nang complacent ang tao (i.e. feeling of safety and security). Horror daw ang nagpapaalala sa atin na hindi tayo dapat maging complacent, tulad ng mga panahong hindi pa tayo 'yung pinakamataas sa food chain, mga panahong isa tayo sa mga prey. Bale, in horror, ang mga multo, halimaw, o hindi maintindihang kapangyarihan (Lovecraftian) ang "predator" natin, and they incite to us the instinct of a prey running away from a predator. Simula noon, hindi na ako nae-excite sa horror. Ignorance is bliss, pagdating sa horror genre.

"Hinaan mo, hinaan mo," utos sa akin ni Nora, nakatakip ng throw pillow sa mukha habang naka-fetal position na nakaupo sa tabi ko. Hindi ko siya sinunod. Biglang may lumabas na kamay pahawak sa likod n'ong isang bata, kasabay ng nakakagulat na sound, at kasabay ng pagsigaw ni Nora ng, "Hinaan mo!" at umungol na parang umiiyak.

"Gusto mo ba talagang panoorin 'to?" tanong ko. Hindi siya sumagot, bagkus ay sumilip lang mula sa throw pillow. Ilang minuto pa, habang namumuo ang tension sa pelikula, biglang tumunog ang doorbell.

Napasigaw ng mura si Nora at napasubsob sa braso ko, at habang nakapikit tinanong ako, "Ano 'yun?!"

"May nag-doorbell," sagot ko.

Umayos siya ng upo—namumula ang kanyang mukha. "Sino 'yun?"

"Tignan ko?"

"Wag mo 'kong iwan," kapit niya sa braso ko. Well, si Nay Benya na bahala doon. Maya-maya lang, pumasok na sa loob 'yung nag-doorbell.

At sa isang tonong may ibig-sabihin, binati kami noon, "Mukhang magaling ka na, ah?"

Napasilip si Nora sa nagsalita, at napaayos ng upo (nawala na atensyon niya sa IT, so I paused it). "O, Tony, ano'ng ginagawa mo dito?" tanong nito, na si Tony pala. Kaya pala pamilyar 'yung boses. May dala itong mga prutas (mukha tuloy nasa ospital kami). Tumayo kami at kinuha na ni Nora ang dala nito, na kinuha ko naman.

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon