Page 33

15 0 0
                                    

NAHIGA NA LANG ako sa kama pagkatapos ng dalawang oras na pagtitig sa laptop. Pero paghiga ko, sa ilalim ng kama ni Anna naman ako tumitig. Walang pumapasok sa isip ko maliban sa kalituhang ibinubulong ng puso ko. Ano ba talagang nararamdaman ko? Sino ba talagang gusto ko? Si Wendy? Si Nora? O, sa kanilang dalawa ba talaga? Nang sabay? Naku, delikado 'yun! Sabi nga: 'Pag sabay, sablay! Joke lang, walang may sabi n'on, ako lang.

Haay. Kung magiging totoo ako sa sarili ko...I know na isa sa kanila e gusto ko at 'yung isa e gusto ko talaga. 'Pag nawala sila, 'yung isa e hahanapin ko, at 'yung isa e hahanapin ko naman. 'Yung isa e aalagaan ko, at 'yung isa e aalagaan ko naman. At 'yung isa, sigurado ako, na mamahalin ko, at ang isa pa ay mamahalin ko. Parang wala namang pinagkaiba, ano? Ang gulo, hindi ba? Ayan. Ganyang kagulo nararamdaman ko.

Kung bakit pa kasi pinili pang tumibok ng puso ko sa kanilang dalawa e. Pero wala akong ibang dapat sisihin; ako ang may-ari ng puso ko at responsibilidad ko kung kanino man 'yun tumibok. Ngayon, sa dalawang babae tumitibok ang puso ko. Kaso doon ako naguguluhan. I'm a pretty loyal man, kung tatanungin ako. Stick-to-one. I mean, nanatili ako kay Anna five years after niya akong i-break. But now na naka-move-on na ako sa kanya...hmm, ano ba ang nangyari? Nabuksan 'yung puso ko para sa iba? Tapos nagsabay sina Wendy at Nora? Frustrated lang ba 'yung puso ko kaya nagmahal ng dalawang babae nang sabay? So, basically, long due na 'yung pag-ibig ko sa isa kanila kaya nagkasabay ngayon. Hmm, so, dapat dati ko pa minahal si Nora? Para ngayon e si Wendy na lang mahalin ko? So, with that thinking, si Wendy dapat ang piliin ko ngayon kasi matagal ko na dapat minahal si Nora at natapos na 'yun?

At bakit ba kailangang pumili? Ang pagkakakilala ko sa pag-ibig e puso lang ang gumagana, hindi ang utak (kaya maraming tanga sa pag-ibig). Kaso, kung hahayaan ko lang 'yung puso ko, aalagwa 'yun at pilit pagkakasyahin silang dalawa. Pero hindi ba pwede 'yun? Against morality, I know...but besides that, saan pa ba against? Sa batas? Well, ang gusto lang namang protektahan ng batas e 'yung magiging bunga ng pagsasama ng dalawang tao—ang mga anak nila at seguridad ng kanilang kinabukasan. Bukod doon...wala na. Sa kalikasan, karamihan sa mga mammal e polygamous naman. So bakit hindi tayong tao? Kasi we're more than animals? Hubris lang 'yan. Ang pag-iisip na mas mataas tayo kaysa sa ibang nilalang ay kamangmangan lang, at pagtaboy sa katotohanang lahat naman ng hayop ay pare-parehas lang mabubuhay at mamamatay. At bakit ba ako nag-iisip ng mga justifications sa nararamdaman ko? Haay. Napakasama kong tao.

Nakita kong lumabas si Anna sa banyo, kakatapos lang maligo at basa pa ang buhok. At hindi ko napigilang pagmasdan 'yung pigura niya—gaya ng gabi-gabing nangyayari. Lagi kasing pumapasok sa isip ko 'yung katotohanang wala siyang suot na panloob sa tuwing matutulog siya. Iniiwasan ko naman—gaya ng gabi-gabi kong ginagawa. Kaso nakatatak na sa isip ko 'yung porma niya—gaya ng gabi-gabi kong nararanasan.

Lumapit siya sa kama ko, nagpapatuyo ng buhok, at tinanong niya ako, "Kanina pa malalim iniisip mo, ah?" oblivious to the fact na may pagnanasa akong nararamdaman sa kanya. Iniwasan ko namang titigan siya, kaso nga lang pinipilit ako ng puso ko. Mukhang hindi ko na dapat pagkatiwalaan puso ko.

"Naguguluhan lang," sabi ko.

"Tungkol saan?" Umupo siya sa upuan ko kung saan ako nagsusulat, at doon nagpatuloy ng pagtutuyo ng buhok. Nakatagilid siya habang nakatingin sa kinukuskos na buhok, habang ako e pinagmamasdan siya. Napaka-attractive pa rin niya despite na nanganak na siya. Medyo maluwag 'yung puti niyang T-shirt, pero bumabakas pa rin doon ang balingkinitan niyang katawan. At may iba pang bumabakat: malaki ang dibdib ni Anna, kaya kahit maluwag ang suot niya at dahil kagagaling lang sa paliligo ay naka-umbok pa ang mga—

Okay, siguro masyado na akong nafo-focus sa katawan niya, kaya nagbalik na lang ako ng tingin sa ilalim ng kama niya.

At tsaka ako sumagot, "Medyo nalilito lang ako sa nararamdaman ko."

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon