SA TULONG NG social media, natunton ko si Anna sa may Anonas, sa Cubao.
Nasa harapan siya ng maliit niyang bahay, nagsasampay ng mga nilabhang damit, nakadaster, nakapusod ang buhok, at nakaumbok ang tiyan. Sa lahat ng kakilala ko, si Anna ang pinakanagbago. Ilang minuto ko siyang pinanood mula sa harapan ng isang barber shop kung saan ko ipinarada ang dalang motor, bago ko naisipang lumapit sa mababang gate ng bahay niya.
Bago pa ako makalapit, napansin na niya ako at tinitigang maigi, pilit na inaalala kung sino ako. "Anna," tawag ko sa kanya; maayos na dumulas ang pangalan niya sa dila ko.
Agad siyang dumampot ng isang salamin sa ibabaw ng washing machine di-kalayuan sa kanya, at isinuot 'yon. Biglang nagliwanag ang mukha niya nang tignan niya ako gamit ang isinuot na lense. "Pete!"
~*~
"Sorry, 'di kita ka'gad nakilala," aniya, habang ibinababa ang kinanaw na orange juice. Nagpasalamat ako. "Malabo na kasi mata ko e, near sighted pa."
Nang pinapasok niya ako sa bahay niya at pinaupo sa sala, ang una kong napansin ay ang litrato ng kasal niya kasama ang isang lalaking hindi ko kilala. "So, how's married life?" tanong ko.
Ngumiti siya. "Masakit sa ulo," at natawa sa sariling sagot, habang hinihimas ang malaking tiyan.
"Pang-ilan mo na 'yan?" tukoy ko sa ipinagbubuntis niya.
"Pangatlo na," aniya.
Hindi ko siya napigilang batiin; may ilan kasi akong kakilalang masyadong maselang magbuntis at hindi makabuo-buo ng tao sa tiyan. Bihira lang sila, pero ramdam ko ang desperasyon nilang magkaanak at ang inggit nila sa ibang nahakbangan lang e buntis na. Blessing talaga ang mga sanggol. "Ilan pa idadagdag n'yo d'yan?" tukso ko sa kanya.
Umiling siya, "Naku, ayoko na, masyadong masakit manganak!" Blessing ang mga sanggol, pero sumpa rin.
Pagkatapos noon e nagkwentuhan na lang kami.
Masaya akong tinatanggap pa rin niya ako despite ng malaking kasalanan ko sa kanya, at nang humingi ako ng tawad e mabilis niyang sinabing, "Wala na 'yun, sus, matagal na kitang napatawad." Napakabuting tao ni Anna.
"Ba't mo nga pala ako hinanap?" tanong niya, nang mabanggit kong nahirapan akong hanapin siya sa social media dahil "Marianna", ang buo niyang pangalan, ang gamit niya. Tatlong araw akong nagsingit ng oras sa pagitan ng pagsusulat para hanapin siya (I know, hindi ako magaling na researcher).
"Na-realize ko kasing 'di ko pwedeng takasan lagi 'yung mga kasalanan ko," sagot ko. "Kaya sinubukan kong i-reach out kayo, para makahingi ng sorry."
Tumango-tango siya. "Sinu-sino na napuntahan mo?"
"Nakausap ko na lahat, bukod kina Tatay at mga magulang nina Kael."
"Si Nora?"
"Yeah..." I trailed off a bit. "S'ya una kong nakita; actually, dahil sa kanya kaya ko na-realize na may mga utang ako sa inyo. Kaso nga lang ayaw pa n'ya 'kong tanggapin."
"Sabi na nga ba e," nakangiti niyang sabi.
"Ano?" paghingi ko ng linaw.
"Si Nora dahilan nitong pagpunta mo sa'kin," aniya.
"Hindi ah," tanggi ko, "gusto ko lang talagang maisara 'tong mga kasalanan ko sa inyo."
"Sus, sigurado kung 'di si Nora nakita mo, tatakbo ka na lang!"
"Hindi—" itatanggi ko sana 'yung sinabi niya, pero hindi ko mapasubaliang baka ganoon nga ang nangyari.
"Gusto mong ayusin mga gusot mo sa'min para kay Nora," aniya, "and that's okay, Peter. I'm thankful sa kanya kung gan'on."
Ngumiti ako bilang pagtanggap sa sinabi niya. Siguro e gusto ko lang talagang maiayos 'yung relasyon ko sa iba para lang ayusin 'yung pakikitungo sa akin ni Nora.
"Sorry rin nga pala," aniya.
"Sa'n?" pagtataka ko. Tapos naalala ko, bigla niya nga pala akong iniwan kinabukasan nang may mangyari sa amin. Naalala kong may nangyari sa amin. Bigla akong nainitan, pero mabilis ko rin namang pinigilan. Tuso talaga ang katawan ng tao, walang pinipiling pagkakataon.
Pinaliwanag niya. "N'ong umalis na lang ako bigla. 'Di ko na kasi kinaya; akala ko kasi matatagalan kong tiisin 'yun...kahit pa kasama kita." Naintindihan ko ang ibig-sabihin niya. "Natakot ako," pagpapatuloy niya. "Parang wala kasi akong natutunan sa mga naranasan ko."
"Sorry," sabi ko. "Pinigilan na sana kita n'ong time na 'yun."
May sasabihin pa sana siya nang may magsalita.
"Mommy, pahinging water." Napalingon ako sa batang nagsalita sa may bandang kaliwa ko, na sa pagkakataong 'yun e papunta na sa kusina kaya hindi ko na nakita ang mukha. 'Yun 'yung pangalawa niyang anak; si Reann kasi, ang panganay niya, e nasa school, naikwento niya. Hindi ko alam mukha ng mga anak niya, hindi naman niya kasi napo-post sa Fb.
"Saglit lang ha?" paalam ni Anna, at tumayong hawak-hawak ang tiyan. Inubos ko na ang orange juice na natunaw na ang lahat ng yelo at hinintay na lang siya. Sa paghihintay e inilibot ko ang tingin sa sala, na punong-puno ng mga simpleng bagay at ilang nagkalat na libro. Maliit at simple ang bahay niya kumpara sa mala-mansyon niyang tinitirhan dati. Malinaw na wala na siyang koneksyon sa kanyang mga magulang, or at least sa tatay niyang itinakwil na siguro talaga siya. Paano kayang nagawa ng isang ama na itakwil ang anak niya? Hindi ba niya kayang tanggapin ang sitwasyon ni Anna? Pero, sa bagay, sabi niya e masaya naman na siya. May sarili na siyang pamilya na mas dapat niyang pagtuunan ng pansin.
Nabawi ng pagbalik ni Anna ang isip ko.
"Ano name n'ya?" tukoy ko doon sa pangalawa niyang anak.
"Andrea," aniya.
"E 'yang pangatlo?"
"Anton," nakangiti niyang sagot.
Ngumisi ako. "Talagang isinasalampak mo sa pangalan nila pangalan mo ha?"
"Syempre naman," natatawa niyang tugon, "Sa asawa ko na nga 'yung apelyido e, dapat sa'kin naman 'yung first."
Lumingon siya sa bandang kaliwa ko. Sinundan ko ang tinitignan niya at nakita ko si Andrea, isang dipa ang layo, nakatitig sa akin. Biglang may bumara sa lalamunan ko nang makita ko ang mukha niya. It was eerily familiar, na parang lagi ko siyang nakikita. Kumabog ang dibdib ko sa pagtitig niya.
"Sino ka po?" tanong niya sa akin. Hearing her small voice, I forgot who I am.
Si Anna ang sumagot para sa akin. "He's Tito Peter, baby."
Isinara ni Andrea ang pagitan namin nang hindi nawawaglit ang tingin namin sa isa't isa. Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay with both her small hands, at nagmano. Then she held it tight. And I held her hands back. Hindi ko namalayan na nasa likod na niya si Anna, hinawakan siya sa balikat, at inilayo sa akin, "Go back to bed, baby, nag-uusap pa kami ni Tito Peter mo." Nagpagiya naman si Andrea pabalik sa kwarto niya, pero bago siya tuluyang makapasok ay sinilip pa niya ako.
Bumalik si Anna sa upuan niya. Tinanong ko siya, "I-ilang taon na si Andrea?" Nautal ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
"Three," sagot ni Anna. And she sighed.
Three years. Hindi ko napigilang itanong, "Is she...?" pero hindi ko rin maituloy.
But somehow, she knew what I was asking about, and she answered, "Yes. Yes, she is."
Napahawak ako sa mga tuhod ko, pilit kong hinihigop ang hangin na mabilis ding lumalabas. Of course she seemed familiar, because I did always see her everyday. Because she's my reflection. She's my daughter.
Nanlamig ako at nanginig. Dinampot ko ang baso ng juice pero wala na itong laman. Mabilis akong ikinuha ni Anna ng tubig, pero pagbigay niya sa akin noon ay ilang saglit ko munang tinignan ang baso, pero wala roon ang isip ko. Tsaka ako uminom nang bumalik na ako sa realidad. Naramdaman ko rin ang paghimas ni Anna sa likod ko, like I needed the comfort more than she did.
"Bakit mo pa 'ko pinatuloy?" panunumbat ko sa kanya. Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paghimas sa likod ko. Hinawakan ko ang kamay niya at idinikit sa pisngi ko. Hindi ko na napigilang umiyak. "S-sorry, Anna, I'm sorry..."
BINABASA MO ANG
Pages
General FictionHindi naman masyadong romance itong kwento ko. More on a big chunk of a writer's life, na karamihan e may kinalaman sa pag-ibig na nagpaikot sa buhay ko (both in a dizzy and functional way). O baka hopeless romantic lang talaga ako. Ewan.