NAGBIHIS MUNA KAMI ng pang-gym—siya, may stock sa locker niya, ako naman e bumili sa mismong gym. Member siya sa pinuntahan namin, kaya kilala na siya nang mga naroon—both the trainers and the regulars; binati lang nila ako bilang courtesy.
Akala ko pwede ko nang ipagmalaki kay Nora na hindi lang ako basta nagbubuhat ng mga bakal, na boxing ang inaatupag kong pampalakas. Pero nang malaman kong mixed martial arts ang sa kanya, I was humbled. Tinaasan niya pa ako ng kilay at sinabihang, "Akala mo ha!"
Nag-warm up muna kami, stretching, bago humarap sa mga punching bag. Habang tumatagal ang pagsipa at pagsuntok niya, napapansin kong lalong lumalakas ang mga atake niya. Nakikita kong nayayamot na siya sa punching bag na galaw ng galaw, kaya pinatigil ko muna siya.
"Ano?" hinihingal niyang tanong.
Pumunta ako sa likod ng punching bag at hinawakan 'yon. "Go."
Inumpisahan niya ulit ang pagsuntok at pagsipa sa punching bag. At nagugulat ako sa lakas na inilalabas niya, parang ang layo sa fit niyang katawan (kaunting muscle lang at halos wala nang taba). However, from my point of view, nasisilayan kong hindi naman stressed 'yung pag-atake niya, talagang calculated lang at pinpoint sa gusto niyang patamaan kaya lumalakas. Sa bagay, kung hindi niya kontrolado katawan niya malamang bali-bali na 'yung mga buto niya sa lakas ng mga atake niya.
"Sineryoso mo pagma-martial arts, ah?" sabi ko nang maisipan niyang magpahinga muna. Ako naman ang sumuntok-suntok sa punching bag.
"Oo," aniya, "self-defense lang naman."
"Self-defense? E mukhang mamamatay kahit sinong suntukin mo e," pang-aasar ko.
"So far wala pa naman."
"Wala ka pang nasusuntok?"
"Wala pang namamatay."
Napahawak ako sa punching bag at tinignan siya. Seryoso siya sa sinabi niya. "May sinuntok ka na?"
"Oo," nag-umpisa ulit siyang suntukin ang punching bag (kawawang punching bag, pinagtutulungan na namin). "Daming nanliligaw, ang kukulit. Pinagsusuntok ko para magsitigil."
"Nanliligaw lang, sinuntok mo na?" Napahawak ako nang mahigpit sa punching bag nang bigla siyang sumipa nang malakas. At tumigil siya.
"Akala kasi nila nagpapahabol ako, mga mokong." Humanda siyang sumuntok, at hinawakan ko ng maigi ang punching bag. "May mga nanggagago pa," nagpakawala siya ng isang malakas na suntok na pumutok pa sa tunog, "edi binasag ko mga nguso nila!"
"Walastik, buti may nanligaw pa sa'yo?" hindi ko napigilang masabi. Hindi siya sumagot. "So, pa'no ka napasagot ng syota mo ngayon?"
"Wala," sagot niya, tuloy lang siya sa pagsuntok.
"Wala? Sinagot mo lang basta?"
"Ano bang pakialam mo?"
"Syempre, gusto kong malaman kung okay s'ya, kung sinuman 'yon."
"O, ano naman sa'yo 'yun?"
"Well, kung parang sasaktan ka lang n'ya, hiwalayan mo na!"
"Ikaw lang naman nakasakit sa'kin, e." Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Tuloy-tuloy lang siya sa pagsuntok. "Tsaka susuntukin ko na lang s'ya kung sasaktan n'ya 'ko."
"Baka makapatay ka na n'on?"
"Baka." Tinapos na niya ang pagsuntok sa punching bag. Naupo siya sa gilid ng ring. Sumunod ako sa kanya at naupo sa tabi niya.
"Sorry," sabi ko.
"Saan?"
"Ewan. Sa lahat?"
BINABASA MO ANG
Pages
Genel KurguHindi naman masyadong romance itong kwento ko. More on a big chunk of a writer's life, na karamihan e may kinalaman sa pag-ibig na nagpaikot sa buhay ko (both in a dizzy and functional way). O baka hopeless romantic lang talaga ako. Ewan.