Page 53

9 0 0
                                    

MAY NAKAPAGSABI SA aking ang mga regalo raw e tanda ng kakulangan ng oras, ng effort, o ng pagpapakita ng nararamdaman sa taong pinag-aalayan mo n'on. Panakip-butas lang daw. Band-aid solution. Pampalubag-loob. Malaki ang atraso mo sa isang tao? Lakihan mo 'yung regalo mo. Simple lang.

Masakit man sa damdamin, mahirap mang tanggapin, totoong may pagkukulang ka sa kanila—hindi mo naman kasi mararamdamang nagkulang ka sa taong hindi naman mahalaga sa iyo. At masakit man sa damdamin ko, talaga naman kasing malaki naging atraso ko kay Nora. Sa sobrang laki hindi ko alam kung gaanong kalaking regalo 'yung ibibigay ko sa kanya.

Ah, bakit may regalo? Sa darating na 20 kasi, bente kwatro na si Nora. Huli kong ibinigay sa kanyang regalo e isang sulat kasi kuripot pa ako noon, noong mag-nineteen siya. Grabe, apat na birthday ko na pala siyang hindi nababati. Maski yata sungkitin ko 'yung pinakamalapit na bituwin o 'yung mga buwan sa buong solar system hindi pa rin sasapat sa atraso ko sa kanya. Sa higit isang libong araw na lumubog na hindi niya ako nakita, sa halos apat na dosenang buwang lumipas na wala ako sa presensya niya, ano ba pwede kong ibigay na "pampalubag-loob"?

Since wala akong alam, kailangan ko ng mga resource person.

~*~

First Interviewee: Nay Benya

Nay Benya: Hmm, wala naman na s'yang hinahanap. Ang totoo e bigay lang 'yun nang bigay dito. Sa bagay, bata pa s'ya, hindi naman n'ya kailangang magmadaling mag-ipon para sa sarili n'ya.

[Sa sagot ni Nay Benya, wala nang kailangan si Nora.]

Second Interviewee: Wendy

Wendy: Hmm. Hindi naman mahilig sa material things si Nora. Well, mahilig s'ya sa mga baking utensils, pero 'wag na 'wag kang magreregalo sa kanya ng gan'on; pagagalitan ka lang n'ya't mali 'yung bibilhin mo. Believe me, I experienced it.

Ako: E ano pwede kong ibigay sa kanya?

Wendy: Hmm. Buhay mo?

[Sa sinabi ni Wendy...ano, magpapakaalipin ako?]

Third Interviewee: Kael

Kael: Buhay mo.

Ako: Ba't parehas kayo ng sagot ni Wendy?

Kael: Syempre, mahal ko 'yun e.

Tsk, walastik na sagot 'yan. Pero, sa sagot ni Kael, napagtanto kong dapat alam ko kung ano kailangan ni Nora kasi mahal ko siya. Sort of completing the other one's sentence, ibang version nga lang. Pero paano ko magagawa 'yun kung matagal-tagal kaming hindi nagkita? And right now, sarado siya sa akin. Naging open siya sa akin noong una, pero sa tingin ko hindi sapat 'yung mga na-experience ko noon kasi halos wala namang pinagbago 'yung pakikitungo niya sa akin nang time na 'yun.

Dahil wala akong maayos na nakuhang sagot sa kanila, didiretso na ako sa huli kong resource person: si Nora mismo.    

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon