MAY ISANG SUMPA pa sa mga writer: Writer's Block. Nasabi ko na ba 'yon? Well, sa sobrang laking sumpa ng writer's block ilang beses ko 'yun mababanggit for sure. Marami kasing uri ng writer's block:
1. 'Yung hindi mo alam kung ano ang isusulat;
2. 'Yung hindi mo alam kung tama ba isusulat mo;
3. 'Yung hindi mo alam kung ano ang tamang isulat; at,
4. 'Yung hindi mo alam kung tama pa ba sinusulat mo.
Para sa akin pinakamahirap 'yung panghuli. Ayon kasi sa research, mas marami kang choices, mas prone ka sa kalungkutan—sa regret sa sarili mong desisyon. Naroon yata ako ngayon. Ang naisip ko kasi sa City of Spice kagabi, wala, nakatengga lang, kasi hindi ko alam kung tama pa ba sinusulat ko.
Pero, teka, sino ka nga ba? Ikaw ba ang muse ko? Lagi na lang akong napupunta sa sitwasyong kinakausap kita e, lalo na kapag nagsusulat na ako. Alam kong magkaiba tayo ng sinasabi, pero sigurado parehas tayo ng iniisip. Sige, ikaw na lang muse ko. At ang pangalan mo ay...Pare?
Hi, Pare. Ako si Peter (hindi ko na siguro kailangang sabihin pa 'yun). After ilang taon e ngayon pa lang pala kita pormal na tinatanggap bilang "kakilala". Marami na tayong pinagdaanan. Minsan nag-aaway pa tayo kasi lagi mo akong tinatanong kung kaya ko ba talagang maging writer. Well, lagi ko namang sagot na wala akong ibang maisip na magiging katayuan sa hinaharap kundi isang writer, naghihirap man o mayaman (sana, ang huli). Pero mas madalas tayong mag-away pagdating sa kung paano na tayo magsusulat mismo. Lagi kang maraming suhestyon, mga pagbabago, karagdagang karakter, kakaibang twists, events, happenings. At lagi tayong napupunta sa sitwasyong hindi na natin alam kung saan na tumatakbo kwento natin. Minsan gusto kong tanggapin na lang ang lagi mong sinasabing, "Fuck it, just write another one," (I hate you cussing, by the way. Feeling ko ako na rin ang nagmumura). Pero hindi pwedeng gawin 'yon; respeto na lang ba sa mga sinusulat ko. Kaso kinakain ko na ngayon ang "respesto" na 'yun—ang dami ko na kasing ginawang kwento na hindi ko na mabigyan ng hustisya. Ang totoo, sa ngayon lahat ng sinulat ko e nauwi lang sa premature death. At kaunti na lang doon na mapupunta ang Plague. Lintik na writer's block. Feeling ko tuloy hindi ko na kayang maging writer.
Pero paano nga kaya gagawin ko? Paano kung ako lang nag-iisip na kaya kong maging isang successful na writer? Paano kung sa ibang direksyon naitatangay ng tadhana ang...layag ng buhay ko? Seriously. Paano kung inuuto mo lang ako, Pare? At paano kung nababaliw lang talaga ako kasi kinakausap ko na ang sarili ko pero iniisip kong hiwalay pa rin 'yun at nabuhay sa katauhan mo? Kakausapin mo rin kaya ako dito? Feeling ko ako lang pwedeng mag-"salita" sa kung saang lugar man ito ng isip ko.
Haay. Hirap mag-isip ng kwento. Pero nae-enjoy ko ito, kung ano man itong ginagawa ko. Feeling ko gumagawa lang ako ng sulat sa iyo. Love letter sa muse. Pakiusap-bigyan-mo-ko-ng-idea-sa-sinusulat-ko letter, para sa iyo. Kailangan ko pa nga palang magsulat ng letter para kay Wendy, by Kael's request lintik na. Well, hindi naman masamang magsulat.
Ang totoo, medyo nae-enjoy ko nang gumawa ng love letter. Siguro kung magkakatotoo ang pelikulang..."Her"? Yung futuristic na sci-fi film? Kung saan ang male protagonist ('yung emperor yata sa "Gladiator") e na-in love sa isang AI (boses ni Scarlett Johansson)? Alam mo ba 'yun? Well, kung magkatotoo ang film na 'yun, malamang e trabaho ko 'yung katulad n'ong sa male protagonist—tagasulat ng love letter.
Oo nga pala, hindi ka ba nagtataka kung bakit tahimik sa kwarto? Well, wala kasi si Kael, dumalaw sa puntod ng mga namayapa niyang kamag-anak kasama papa niya (November 2 talaga sila dumadalaw); si Nora e naiwang nagpapahinga sa kwarto. Si Tatay naman, may dinalaw din sa malayong lugar. Bakit hindi ako sumama? Hindi ko alam. Hindi ko feel. Ah, aalagaan ko rin kasi dapat si Nora.
~*~
Wendy,
Hello ulit. Medyo ilang araw na rin simula nung nagkakilala tayo (ilang araw na rin nung huli akong sumulat). Gusto ko lang magpasalamat sa stuffed toy na bigay mo—hamo, inaalagaan ko siyang mabuti.
At, kung hindi mo mamasamain, gusto ko sanang i-extend ang pag-aalagang yun patungo sayo. Hindi ko actually alam kung paano dapat sabihin, kung anong mga salita ang dapat gamitin, at kung kailangan ko bang magpadaig muna sa takot... Kaya sasabihin ko na lang. Gusto kitang ligawan.
Siguro iisipin mong nagmamadali ako masyado, na sana e pinatagal ko pa munang magkaibigan tayo, magkakilala pa nang mas maigi. Sa tingin ko yun din ang tamang gawin. Pero iba tingin ng puso ko. Iba na tingin ng puso ko sayo. Sorry.
Hamo, hindi naman ako nagmamadali. At kung ayaw mo, sabihin mo lang sakin. Wag kang matakot na mawala ako kahit ayawan mo ko—hindi kita gugustuhin nang dahil lang sa posibilidad na magugustuhan mo rin ako.
Anyway, nasabi ko na. Kung may magulo man akong gawin, kung mapapaisip ka, "Gusto ba ko nito o trip-trip lang?", isipin mong ang sagot ay gusto kita.
-Kael
BINABASA MO ANG
Pages
General FictionHindi naman masyadong romance itong kwento ko. More on a big chunk of a writer's life, na karamihan e may kinalaman sa pag-ibig na nagpaikot sa buhay ko (both in a dizzy and functional way). O baka hopeless romantic lang talaga ako. Ewan.