Page 52

14 0 0
                                    

ISA SA MGA dahilan kung bakit hindi ako nagbabasa nang marami dati: ayaw kong makopya 'yung style ng pagsusulat ng iba. Ngayon, dahil may sarili na akong boses sa papel, hindi na ako takot makinig sa ibang writer. Kaya ngayon, nagbabasa na ako nang marami-raming libro. Ang dahilan? Kasi ayaw kong masabihang nangongopya ako ng idea ng iba.

Plagiarism. Hindi 'yan sumpa. Isa 'yang kahinaan, sariling kakulangan ng kahit sinong writer na makitaan ng bakas niyan. Pero ngayon ay inaakusahan ako ng kahinaang 'yan.

"'Di ko kinopya 'yun," pagmamatigas ko. "Siguro cliché na 'yung mga pangyayari, pero 'di ako nag-plagiarize."

"Okay, okay," taas ni Sutla sa dalawa niyang kamay, gumuhit ng usok ang hawak niyang sigarilyo. "Granted na 'di mo nga kinopya 'yun; 'di ko pa rin hahayaang i-publish mo 'yung boring na kwentong 'yun—ah! Alam ko na kung sa'n ko 'yun nabasa."

"Sige, saan?"

"Sa mga walang kwentang manuscript na pinapasa ng iba sa'min," diretso niyang sabi. Ibig-sabihin, expression niya lang na nag-plagiarize ako, ng mga kwentong walang kwenta. Hindi ko tuloy alam kung mahihimasmasan ba ko't hindi ko na kailangang patunayang hindi ako nangopya ng kwento ng iba o magagalit sa pagsasabi niyang walang kwenta 'yung sinusulat ko.

"Pa'no gagawin ko, e 'yun 'yung kwentong dumarating sa'kin?"

"Just come up with another story, then," aniya, na parang ang dali lang gawin n'on.

"Kung gan'ong kadali lang 'yun, ba't 'di ka magsulat ng kwento mo?" Hindi ko na napigilang sabihin ang masakit na mga kataga na 'yun.

"E 'di naman kasi lahat kayang magkwento," aniya, kalmado, tinanggap ng maayos ang masakit na sinabi ko. Bigla akong nakaramdam ng konsensya. Hinawakan niya ako sa braso—a friendly gesture, "May talento kang magkwento sa papel; 'wag mong sayangin 'yan."

Napabuntong-hininga ako. "Ilang buwan ko nang pinaghihirapan 'yun..." tukoy ko sa kasalukuyang sinusulat ko.

"'Yun na nga e," aniya. "Ilang buwan na pero am'pangit pa rin."

Nasaktan ako sa sinabi niya na gusto ko siyang sapukin. Pero...sa bagay, maski ako napapangitan din sa sinusulat ko.

"Okay naman 'yung theme ng kwento mo e," aniya, "kaso kulang sa depth 'yung character. Pinagtuunan mo ng pansin masyado 'yung setting."

"E 'yun sabi mo sa'kin, 'di ba?"

"Fantasy kasi sinusulat mo, malamang 'yun 'yung kailangang maipaliwang mo nang maayos."

"That's what I did!"

"But you didn't do it well." Humihithit ng sigarilyo saglit si Sutla. "Show the setting through your characters' eyes."

Dinala ng hangin sa akin 'yung usok na ibinuga niya, na sinubukan kong palisin pero late na kasi nakasinghot na ako. Wala akong bisyo, at pinakaayaw ko ang sigarilyo. "Pwede bang sa susunod, 'wag ka nang manigarilyo kung mag-uusap tayo?"

"That's it!" nagliwanag niyang sabi. "Lagyan mo ng bisyo characters mo—lahat ng tao meron n'on, ayaw mo mang tanggapin."

Kumunot lang noo ko.

Ipinaliwanag niya ang sinabi niya, sa pamamagitan ng isang hamon, "Make your characters believable. Dapat pwede natin silang makabanggaang-balikat sa mataong kalsada. Magagawa mo ba 'yun?"

"Kahit sa fantasy 'yung characters ko? I don't know about that," sabi ko. Paano ba naman kasi gawin 'yun?

"Lahat naman e gawa sa alikabok kaya lahat tayo e iisa lang hilatsa ng bituka," aniya. At matapos akong titigan ng ilang saglit, nag-suggest siya, "Alam mo, dapat lumabas-labas ka ng apartment mo, makipag-socialize ka, obserbahan mo 'yung mga nasa paligid mo. Kulang ka lang sa experience e."

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon